Chapter 60: AI Battle Category

4 2 0
                                    

THE OTHER DAY

Angelo's POV

"Isang araw? Di nga? Walang halong biro?" sunod-sunod na tanong ko kay Jwyneth. Nasa kasalukuyan kaming agahan ngayon habang pinag-uusapan kasama ang mga kaibigan namin ang tungkol sa susunod na category. Hindi mapagkakailang perceiverance at endurance ang magiging basehan ngayon, hindi lang estratehiya at pakikipaglaban.

"Knock out kung knock out rin at walang atrasan. Kung ano ang makaharap mo sa laban, ‘yon na ang makakatunggali mo. Kaya nga lang panigurado, ikaw ang mananalo, o ikaw ang matatalo" ani ni Shayne na katabi si Jwyneth na parehas ang pinatutunglan.

"Masisiraan na ako ng ulo sa loob nitong institusyon na ito, pati ba naman katawan sisirain din? Hayf na buhay 'yan. Required talagang pumasok sa mga categories na iyan?"

"Wala tayong magagawa bessie, kailangan natin magsakripisyo dahil para naman sa ikabubuti natin ito," pagbibigay enlightment sa akin ni Jwyneth. Naiintindihan ko naman siya dahil balang araw magagamit rin namin ito sa paglabas ng institusyong ito, upang lumaban sa labas.

Para na kaming naging sundalo na kailangan makipagsapalaran sa digmaang hindi namin alam kung mananalo o matatalo rin kami.

"How about yung mga nasa Quarantine area? Makakasali kaya sila sa upcoming na category?" Tanong naman ni Shayne.

"I think, maybe because they are privelaged to also train themselves by the institution."  Pagsagot naman ni Danica. "But siguro dapat lalong maging maingat nalang if ever atakihin tayo ng 'di nalang natin namamalayan. We have be cautious right?"

Sumang-ayon naman ang mga nakarinig. Sana naman walang mangyari na namang kaso. Did every people's life still matters in this time of crisis? Does survival of the fittest can apply in this time?

Bumalik na sa training ang lahat. Gustong maging bihasa sa mga armas na gagamitin nila sa round na iyon. Ako? feeling ko kailangan ko ng isang galong gatorade, energy drink para tumagal doon sa battle na iyon na hindi alam kung sino o ano ang makakalaban.

Pabalik na ko sa headquarter ng mga lalaki pero nang madaanan ko ang headquarter ng mga babae, nakita ko sila Teody kasama si Angel Ann. Wait si Angel Ann talaga iyon? Alam ninyo kung feeling na fluttered ka o natutuwa dahil ngayon mo lang muling nakita ang kaklase mo dati kaso hindi mo maipakita o maiparamdam iyon dahil hindi mo naman gaano o ka-close ang ibang kaibigan niya. Wala kang choice, at itatago mo nalang. Nakita ko rin si Harvey na tuwang-tuwa at kayakap ang pamilyar na babae. Babaeng naglitas mula sa halimaw ng pumutok ang sigwa o gulo. They were alive and survived. Kay buti ng kapalaran. Napangiti nalang ako sa isip-isip ko and my feet move away from that crowd.

Dumaan lang naman ako, wala akong balak na makiosyoso so I headed to my unit down stairs.

Nang buksan ko ang pinto. Tumambad sa harap ko si Mark na kaharap ang pinto ng cabinet.

"Sarado mo! Kita mong nakahubad yung tao e!" sa tonong pagtatawanan mo nalang kasi parang tanga kase. Di nagla-lock ng pinto.

"Sino ba kasing may sabi sayo na lumabas ka ng banyo na nakaboxer lang?"

Inuna pa kasi pagpapagwapo sa salaming nasa pinto ng cabinet kaysa magsuot.

Naningkit ang mata niya, at dahan-dahang sinarado ang pinto ng cabinet. Dahan-dahan din siyang lumapit sa akin na kakaiba ang tingin.

"Wait may nalimutan ako sa labas," pagsisinungaling ko dahil ang gago mukhang may balak. Pero huli na ang lahat, bago ko pa mabuksan ng maluwag ang pinto. Marahas niyang itinulak ang pinto pasarado.

"Sabi ko, isara.do mo. ang. pinto" ani nito na magkalapit ang distansya namin.

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi normal.

ALPHAWhere stories live. Discover now