Chapter 11: Under Desk

21 8 0
                                    

Mula sa pagkakahimbing ay napamulat na si Harvey. Nasa ilalim silang dalawa ng lamesa. Dianne exhaled in relief.

Kinusot ni Harvey ang kaniyang mga mata. Madilim ang kanilang paligid. Tanging mini flashlight lang nakatanglaw sa kanilang dalawa.

Napabangon si Harvey sa balikat ni Dianne nang ma-realize niya ang nangyari kanina. Nauntog siya ng malakas sabay himas sa ulo nito dahil sa sakit.

Inayos niya ang kaniyang dilaw na salamin sa mata at parehas silang naka-angel sit sa ilalim ng lamesa. Napatingin sila sa magkabilang direksyon.

Tahimik ang paligid. Hinimas ni Dianne ang sarili nitong kaliwang braso.

Hindi naman mabasag ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Maraming tanong ang nasa isipan ni Harvey kung anong nangyari ng tuluyan siyang bumagsak at nawalan ng malay.

Binasag ni Dianne ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Dianne: A-a-ayos ka na?

Harvey: Aaah! Oo. Uhm salamat nga pala. Dapat ako ang gumagawa nito sayo pero nagkabaliktad. Ako ung nakasandal sa balikat mo.

Dianne: Ayos lang Vey. (Ngumiti ang mata ni Dianne)

Bakas sa mata ni Harvey ang matinding guilty na parang may sinasabi sa sarili nito.

Ano ba tol, bakit ka ba kasi nahilo kanina. Ikaw dapat ang pumoprotekta sa kaniya. Bakla ka ba? Mukhang ang sarap ng tulog mo sa balikat niya ahh. Napakahina mo naman. Lumindol lang nahilo at nahimatay ka na. Sarap mong batukan.

Nagse-self pity si Harvey.

Tumingin sa direksyon niya si Dianne. Halata niya na nakasimangot si Harvey.

Dianne: Ohh bakit ka nakasimangot diyan? Di ka ba natutuwa? Ang bigat kaya
ng katawan mo nang hilahin ko mula roon hanggang dito sa ilalim ng mesa. Nagkaroon kasi ng aftershock pagkatapos ng lindol. Inaasahan ko ring mas malakas yun kaya 'di na ko bumaba pa para manghingi ng tulong. Alangan naman na iwan kita dito ng walang malay.

Tahimik lang si Harvey. Alam ni Dianne na madaldal si Harvey pero nag-iba siya nang mangyari ang mga ito. Tumatahimik lang naman ito kung nagseself-reflection. Para sa kaniya, nakakababa ito ng pagkalalaki niya.

"Ui" pagtawag ni Dianne sa atensyon ni Harvey kasabay ang mahinang pagbunggo ng kaniyang balikat sa balikat ni Harvey.

"Patawad" mahinang bigkas ni Harvey habang yumuko siya at 'di makatingin kay Dianne. Hinimas naman ni Dianne ang mukha ni Harvey at maituon nito sa kaniya ang atensyon ni Harvey; at para rin makausap niya siya ng maayos.

"Wala ka dapat ipangamba sa akin Vey, ayos lang ako. Ang isipin mo ay pinoprotektahan natin ang isa't isa. Kung hindi mo man ako maprotektahan ngayon. Malay mo next time, you could protect me from danger. But this time while you were asleep or unconscious back then, it's my turn to protect you no matter what happen. And of course, it's better to be with you, hindi ko naman kayang iwan ang tulad mong cute kung matulog."

"Hahaha...nakakatawa," sarkastikong muling pagsasalita ni Harvey. Humarap sa kabilang direksyon si Harvey habang tipid na ngumiti

"Yiee...I saw your smile" Dianne tease him.

"What smile?" giit ni Harvey

"I just saw it" dinuduro ni Dianne ang kaniyang daliri malapit sa labi Harvey.

"Hindi ako cute. Gwapo ako! Hmp." Harvey clarified.

"Hindi kaya, cute ka kaya" Nilaro ni Dianne ang salamin sa mata ni Harvey taas-baba.

Kiniliti naman ni Harvey si Dianne bilang pagganti.

They giggle once at that time and make fun with each other. Sana hindi na matapos ang feeling na ganito, sa ilalim ng lamesa na kala mo ay isang bahay-bahayan. Sa lirip ng ginaw ng aircon na tanging init lang ng isa't isa ang nagpapaginhawa sa kanila. At tanglaw nang mapanglaw na ilaw na nagmumula sa lente ng isang maliit na flashlight ang nagbibigay paningin sa mukha na pinaniningning ng pag-asa at 'mukha ng pagmamahalan.

Bumilis ang pintig ng puso ni Harvey, ganun din kay Dianne. Sa likuran ni Harvey ay may tumunog na nanggagaling sa relo ni Dianne, nade-detect ng relo ang pulse rate. Naputol ang ugnayan nila na ikinagulat ni Harvey sa mabilis na pagkakakalas ni Dianne sa yakap nila.

Nauntog si Dianne. Boom Panes! It's a tie! Patuloy na tumutunog ang relo ni Dianne. Kipit-balikat naman si Harvey dahil sa nangyari at itinuon ang atensyon niya sa ulo ni Dianne.

Binawi ni Dianne ang sarili nitong kamay nang si Harvey na mismo ang naghimas sa parte ng ulo niya.

"Akin na, kiss ko yung parte na masakit para mawala," Ani Harvey.

"Parang timang naman to ohh, ano 'yang labi mo? Yelo?"

Napangisi naman si Harvey sa sinabi ni Dianne at piniling manahimik nalang. At
nang matapos sa paghimas ay inakbayan nalang ni Harvey si Dianne. Napasandal naman si Dianne sa balikat ni Harvey at ang tunog sa relo ni Dianne ay unti-unti nang bumagal at nawala.

ALPHAUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum