CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Sheikayna Pov.

Hindi talaga ako naniniwala sa destiny. Pero ngayon, naniniwala na ko. Grabe naman kasi, talagang nagkita ulit kami ni Mr. Gwapings. Feeling ko tuloy kami yung itinadhana. Sana nga.

Nakatingin lang ako kay Mr. Gwapings na nakatingin lang din sakin. Tingin-tingin mo dyan? Gusto mo ko? Ghe sayo na ko. Hahaha ang landi lang selp ah. Si veathrix naman nakatingin lang sakin na para bang nagtataka kung bakit magkakilala kami ni Mr. Gwapings. Si nathaly ba yun? Ayyy basta nathaly yun, yung kausap kanina ni veathrix. Nakatingin lang din sya kay Mr. Gwapings. Teka nga... Magkakilala ba silang dalawa? Hindi kaya...??? WHAT THE ISANG SAPAK?!! Mag jowa ba sila?? No way!!! Ako kaya ang mas nababagay kay Mr. Gwapings. Maganda ako, gwapo sya. Matalino ako byubyu sa kaya talagang mas Bagay kami.

"Teka nga... Magkakilala ba kayo?" - nagtatakang tanong sakin ni veathrix na nakaturo pa yung kamay kay Mr. Gwapings.

Hindi lang kami Magkakilala veathrix dahil sya ang ama ng dinadala kung tae. CHOS. Sya lang naman ang itinadhana sakin hehehe he.

"Oo... Magkakilala kami" - nakangiting sagot ko at tumingin naman sakin si Mr. Gwapings kaya kinindatan ko sya. Hahahaha siguradong halos makaihi nayan sa kilig. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung kindatan ka ng isang magandang babae na tanga at abnormal na baliw at sponge sa personal!?? Tanga nalang ang hindi kikiligin.

"Kailan naman kayo nagkakilala? At saan?" - nagtatakang tanong ni nathaly. Tapos tumigin kay Mr. Gwapings. Wag mong titignan ang itinadhana sakin kung gusto mo pang mabuhay. CHOS. Okay lang naman na tignan nya hindi naman sya magugustuhan ni Mr. Gwapings eh.

" Kanina lang.... Doon sa tapat ng gate"-sagot naman ni Mr. Gwapings. Grabe talaga pati boses ang husky!!! Nyeta Bagay na Bagay talaga tayo. Maganda boses mo tapos ako boese aso hehehe pero kahit ganun boses ko proud parin ako.

"Ayyyy" - tatango-tangong sabi ni nathaly. Tapos tumigin ulit sya kay Mr. Gwapings. Bat ba tingin sya ng tingin? Di nya ba alam na akin lang si Mr. Gwapings? Pwes kung di nya alam, ako ang magpapaalam. Matitikman nya ang isang bagsik ng SHEIKAYNA FRANCISCO.

"Nathaly pwede bang tigil-tigilan mo ang kakatitig kay Mr. Gwapings?" - inis na sabi ko. Wala na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tskkk kung ako sayo babae tumago ka na dahil di mo kakayanin ang isang tangang/maganda/Abnormal/Baliw/Sponge.

"Hoy ano ka ba sheikayna?? Bat mo naman sinabi yun?" - bulong sakin ni nathaly. Kaya sa gulat ko ay natakpan ko ang ilong ko dahil ang baho ng hininga nya. CHOS.

"WOULD you please shut up your mouth? Because your laway is talsik-talsik in my skin"-inis rin na bulong ko sakanya.

"Huh?? Hindi ko naman sya tinititigan ah" - nagtatakang sabi ni nathaly. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Di mo nga sya tinititigan. Iniistaring mo naman sya. Duhhh" - inis na sabi ko. Epal kasi sya eh. Tapos hindi man lang sya lumayo? Di nya ba ko nakikita? Dapat isang masamang tingin ko lang sakanya uurong na sya.

"Hahahahaha nakakatawa ka naman"

Eh??? Anong tinatawa nya?? I'm fucking serious!!!

"At bakit ka naman tumatawa huh?" - masungit na tanong ko. Kung hindi ko pa nasasabi, masungit din ako. Lalo na sa mga taong sponge na kagaya ko.

"Hmmm wala namam Hahaha ah"

Baliw na ang isang toh. Padala nyo na sya sa cebuana. Hindi lang pala ako ang baliw eh pati rin sya. Talagang inaagawan nya ko sa pagiging baliw ko ah??

"Tskkk epal" - bulong ko. Hindi porket bumulong ako ibig sabihin nun mabaho ang hinga ko ah? Nagtotooth brush kaya ako isang araw sa isang linggo. CHOS.

"Halika na nga sheikayna... Hahanapin pa natin yung section natin" - sabi sakin ni veathrix at hinawakan ang braso ko at hinila na nya ko na parang aso. Bago kami makalayo ay nagpaalam muna ako kay Mr. Gwapings

"Bye Mr. Gwapings" - nakangiting sabi ko habang kumakaway pa sakanya. Nang hindi ko na sila matanaw ay inis kung kinuha ang kamay ko kay veathrix. Baka kasi pinangkulangot nya yung kamay nya eh, tapos pinang hawak sakin. Its so kader-der.

"Bat mo naman ako hinila? Di ko pa nga natatanong kay Mr. Gwapings yung name nya eh"
Inis na sabi ko kay veathrix. Nyeta kasi eh!!! Kalimutan ko na ang mag panty wag lang yung magtanong kung anong name nya!! Mas importanteng malaman ko ang name nya kaysa ang mag panty. Tumigil naman sa paglalakad si veathrix kaya Tumigil din ako. Gaya-gaya din kasi ako minsan.

"Mas importante pa bang malaman mo ang name nya kaysa hanapin kung anong section natin?" - inis na tanong nya at nagaptuloy sa paglalakad. Kaya ginaya ko ulit sya.

OO mas importane ang malaman ko ang name nya dahil sya ang ama ng dinadala kung tae. Gusto ko sanang isagot yan kaso naisip ko. Kahit wala akong isip. Naisip ko kasi na kapag yun ang sabihin ko baka magalit pa sya sakin tapos bubungangaan nanaman nya ko, mabaho pa naman hininga nya. CHOS.

Tumigil kami sa tapat ng pintuan na may nakasulat na GRADE 12-POLARIS. May tinignan naman si veathis sa gilid ng pintuan na sa tingin ko ay hinahanap nya yung name nya kung Nandito ba sa GRADE 12-POLARIS.Siguro dun mo malalaman kung anong section at sinong classmate mo.

"Hayyyysss sayang sheikayna hindi tayo magkaklase" - malungkot na sabi nya.

"HUH?? PANO mo naman nalaman?" - nagtatakang tanong ko. May magic ba sya? O talagang magaling lang syang manghula?

"Tinignan ko kasi dito sa nakapaskil na coopon bond kung Nandito yung name ko ang kaso wala.. Yung name mo lang Nandyan kaya hindi tayo classmate"

"Ayyyy sayang naman" - malungkot ko ring sabi. Pero sa totoo lang ang saya-saya ko!! Kasi hindi nya ko mabubungangaan!!! Wahhhh hindi na ko mababahuan sa hinga nya. CHOS.

"Sige na Pumasok ka na... Hahanapin ko pa yung section ko" - sabi nya. Magsasalita pa Sana ako ng umalis na agad sya. Siguro nagmamadali sya kasi natatae na sya.

Tulad ng sabi ni veathrix ay Pumasok na ko sa loob. At nang nakapasok na ko ay napatingin sakin ang iba ko pang classmate. Siguro kasi nagagandahan sila sakin noh?? Well hindi ko sila masisisi kasi maganda naman talaga ko!!. Wala pang teacher kaya hindi pa ko late.

Nilibot ko naman ang paningin ko para makakita ako ng pwede kung mauupuan. Napako ang tingin ko. Wait lang guyssss huh? Yung napako na sinabi ko po is ginamitan ko po sya ng martilyo. CHOS. Napadapo ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo sa gilid at mukhang natutulog kasi nakayuko sya sa mesa. By twos lang yung upuan at dun sa tabi ng lalaki ang perfect para sakin. Katabi nya kasi yung binatana kaya para sakin perfect na yun. Gusto ko kasi sa tabi ng bintana ako lagi umuupo para pag boring na ko sa klase eh tatalon na lang ako sa may binatana. CHOS. Trip ko lang talagang umupo doon.

Lumapit na ko dun sa lalaki at nakita kung nakahead set sya. Mukhang ang sarap na nang tulog nya ah. Pero ma's masharap ako. CHOS.

"Pwedeng maki-sit ?" - sabi ko dun sa lalaki. Ang tanga ko talaga!! Alam ko naman tulog sya tapos kinakausap ko sya? At dahil tulog naman sya umupo nalang ako.

Dahil ang tagal ng teacher ay naisipan ko munang tumae kasi natatae na talaga ako. CHOS. Naisipan kung kunin yung isang headset na nakasuot dito sa katabi ko at nilagay ko sa ilong ko. CHOS. SA ilong syempre.

Wow ganda ng kanta ah... Kaso di ko alam title... Tapos English pa!! Ang sakit sa nose yung kanta.

Nagulat na lang ako nang biglang iangat nung lalaking katabi ko ang mukha nya at

0____0

"Mr. Gwapings? "

"Ikaw nanaman?"

Kami ata talaga ang itinadhana!!

𝑳𝒐𝒗𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝑾𝒂𝒕𝒕𝒑𝒂𝒅 𝑹𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 (On-Going) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang