CHAPTER 1

5 2 0
                                    

Nathaniel Pov

"Bakit ba kayong mga lalaki eh ang hilig nyong manakit ng damdamin ng babae? Bakit kung sino pa yung nagmamahal ng totoo sila pa yung winawasak ang puso? Bakit lagi nyo na lang sinasaktan ang mga taong nagmamahal sa inyo? Hindi ba pwedeng mahalin nyo na lang din sila gaya ng pagmamahal nila sa inyo? Bakit kailangan pang masaktan ang mga taong nagmamahal lang naman? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang sila? "-mahabang sabi ni nathaly. Yung mga luha nya patuloy na bumabagsak. Ano bang dinadrama nya? At ano bang pinagsasabi NYa? Nakayuko sya habang patuloy na lumuluha. Hinawakan ko naman ang baba nya at pilit na pinapatingin sakin. Nagkatitigan kami. Ang SAKIT makitang yung taong mahalaga sayo ay umiiyak.

"Hindi lahat ng lalaki sasaktan lang ang damdamin nyo. Minsan kayo mismo ang nananakit saming mga lalaki. Yang nararamdaman nyo kapag nasasaktan kayo ay ganun din ang samin. Minsan nga mas malala pa  yung SAKIT na nararamdaman namin kaysa sa inyo eh. Kasi kaming mga lalaki kapag nahanap nanamin ang totoong babaeng para samin mamahalin namin sila nang sobra. Yung tipong dahil sa pagmamahal namin ng sobra hindi namin namamalayang nasasaktan na pala kami. Alam mo kung bakit? Kasi minsan ang sobra nakakasakit na. Kaya wag mong sabihin na kami lagi ang nanakit sa inyo. Kasi di nyo alam nakakasakit din kayo di lang namin sinasabi kasi ayaw naming mas masaktan kayo. At alam nyo bang pag nasasaktan kayo eh mas nasasaktan kami? Ayaw kasi naming nasasaktan ang taong mahalaga at mahal  namin."-mahabang sabi ko sa kanya. Tumigil naman sya sa kakaiyak at tinignan ako ng seryoso at nagtataka? Anong pinagtataka nya?

"At sino bang tinukoy mo? Bat nagdadrama ka naman? - takang tanong ko. Tinignan naman nya ko at bigla nalang natawa

0_____0??

Anong tinatawa-tawa nya? Kanina lang umiiyak sya ah. Bat ngayon bigla nalang syang Tatawa?

" Hahahahahahaha seryoso Nathaniel?? Hahahahah ang haba-haba ng sinabi mo tungkol sa love eh wala ka pa namang love life! Atsyaka ano bang mga pinagsasabi mo dyan? Hahahaha"

0_______0??

"Eh ikaw nga ang dapat kung tanungin nyan eh. Bat ba nageemote ka nanaman huh nathaly? At syaka hindi porket wala akong love life eh wala na akong alam sa love." - inis na sabi ko. Kainis kasi eh ang haba-haba ng sinabi ko tapos Tatawanan nya lang ako!? "Eh sino bang tinutukoy mo bat nasabi mo yung mga yun?" - tanong ko. Meron naman siguro syang tinutukoy dun kaya nya nasabi yung mga yun diba?

"Si Elton bhe kasi eh. Sobra na yung mga sinabi nyang masasakit na salita kay althea"

"Elton bhe? Althea? Sino yun mga kaibigan mo?" -
nagtatakang tanong ko. Umiling naman sya. "Eh sino yung mga yun?" - takang tanong ko ulit. Kung hindi nya kaibigan yung mga yun eh bakit nya kilala?

"Sila yung character sa binabasa kung" THAT PROMDI GIRL" grabe kasi yung mga sinabi dun ni Elton kay althea sobrang sakit. Yan talagang si sic Santos eh ang galing gumawa ng kwento. Pero grabe talaga naiyak ako dun. Grabe kasi ang pagmamahal nila sa isat isa eh. Sana makahanap din ako ng kagaya ni Elton, hayyys.. Si Elton yung tinutukoy ko dun sa lalaki Nathaniel. Kasi naman eh lagi nya na lang sinasaktan si althea. Kaya ayun nasabi ko yung mga hinanakit ko sakanya"

0________0

WTF??

Ibig sabihin kaya sya nageemote kasi nilabas nya yung hinanakit nya dun sa Elton? Eh nabasa nya lang yun ah!? Bat kailangan nya pang mag emote? Tapos kung ano-ano pa sinabi ko eh wala naman palang kwenta.. Tskkk kainis ka talaga nathaly.

"So hindi ka heartbroken kaya nasabi mo yung mga yun?" - tanong ko.

"Hindi"

WTF??

𝑳𝒐𝒗𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝑾𝒂𝒕𝒕𝒑𝒂𝒅 𝑹𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 (On-Going) Kde žijí příběhy. Začni objevovat