CHAPTER 3

1 0 0
                                    

Veathrix Pov.

"Hoy sheikayna bilisan mo na dyan malalate na tayo oh!"-sigaw ko mula sa baba. Ang bagal kasi kumilos nung babaeng yun eh. Kanina ko pa sya hinihintay pero ang tagal tagal nya. Kapag kami talaga nalate mababatukan ko na talaga yun.

"Wait lang.. May tinatapos lang ako!!"-sigaw din nya mula sa taas. Ano namang tinatapos nun? Wattpad nanaman siguro ginagawa nun? Aishhh ang tanga talaga nung babaeng yun.

Maya-maya naman ay bumaba na sya. Tskkk pati mata nya maga-maga. Siguradong nakakaiyak yung nabasa nya kaya naiyak rin sya.

"Buti naman at naisipan mo ng bumaba" - sarkastiko na sabi ko. Papalabas na kami ngayon sa bahay nila. Maglalakad lang kami papunta sa school, medyo malapit lang kasi eh.

"Naalala ko lang. Hindi ko naisipan, wala naman kasi akong isip eh"

>____<

Abnoy!! Bat ko ba naging kaibigan toh? Buti nalang natagalan kung maging kaibigan sya. Hindi ko nalang sya pinansin at nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad. Baka kasi pag di ako nakapagpigil eh mabigwasan ko sya.

Malapit na kami sa school kaya kita nanamin ang malaking Gate na may sulat na Welcome to Steward International High School.

0____0???

Luh??Bat bigla na lang yung tumakbo? At anong ginagawa nya dyan sa harap ng kotse ng kung sino? Nagsasalamin ba sya? Tskkk Abnoy na tatanga-tanga tapos baliw pa!! Oh San ka pa?

Inis naman akong naglakad papalapit sakanya.

0____0

"Hoy anong ginagawa mo?" - inis na bulong ko sakanya. Yung ibang dumaraan pinagtitinginan na kami. Nasa tapat pa naman ng Gate tong kotse.

"Wait lang naman. Tinitignan ko lang kung may muta pa ba ko sa mata na hindi ko natanggal kanina, tapos kung puno na ba nang kulangot yung ilong ko. Hehe para naman walang makakita"

0____0

Kingina naman oh!!! Ang tanga talaga nitong babae na toh!! Tskkk kainis ka talaga!!! Kung hindi lang siguro kita kaibigan malamang kanina pa kita nabatukan. Tinignan ko naman sa may bintana na pinagsasalaminan ni sheikayna kung may tao pa ba sa loob. At gulat ako nang may makita akong lalaki na nagtataka na natatawa? Sa ginagawa ni sheikayna. Yung sa may binatana nya kasi hindi tintled kaya makikita mo kung may tao ba o wala.

"Hoy gaga ka talaga halikana. Hindi mo ba nakikita na may tao pa sa loob ng kotse na yan?"

"Huh? Ay hindi ko nakita busy ako sa pagtatanggal ng muta at kulangot ko eh hehehe"

>_____<

Kingina naman talaga oh!!! Bat hindi nya muna tinignan bago sya nagsalamin? Tskkk bat ko pa ba tinatanong ang sarili ko? Malamang dahil wala daw syang isip sabi nya, talagang hindi nya na maiisipan pang tignan!

"Gaga ka sheikayna, may tao dyan sa loob ng kotse tuleg, tinitignan ka nya" - inis na bulong ko sakanya. Tinignan nya naman ako nang nagtataka.

"Eh?"

"Anong eh?"-inis na bulong ko ulit. Anong eh kasi ang pinagsasabi nito?

"Eh Di wow"

0____0

Kingina mo talaga!!!!! Gusto kung pumatay!!!! Nyeta ka talaga sheikayna!!!! Ang tanga mo talagang kausap!!

"Nyeta ka talagang kausap!! Bahala ka dyan!! Mauuna na ko dun sa may bench! Bilisan mo ng magsalamin dyan dahil hahanapin pa natin yung section natin!!" - inis na sabi ko at naglakad na papunta dun sa bench na nakita ko. Tskkk bahala sya!! Kung makita nya yung lalaki dun sa kotse sigurado akong mahihiya din yun.

𝑳𝒐𝒗𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝑾𝒂𝒕𝒕𝒑𝒂𝒅 𝑹𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 (On-Going) Where stories live. Discover now