Chapter 7

85 54 58
                                    

Chapter 7

I fucking messed up.

The fuck, yes. Im so stupid.

Pilit kong tinatabunan ang sarili ko habang nakayuko sa aking mesa. For the first time being in school, wala akong naintindihan sa mga sinasabi ngayon ni Mr. Ramos. Wala akong naiintindihan dahil hindi naman ako nakikinig.

I've been like this for days. Seriously, I feel so awful. Halos gusto ko nalang maglaho dito at tabunan ang sarili sa ilalim ng lupa upang maitago ang kahihiyan.

"Mr. Salazar! Can you hear me?"

The truth is, I go crazy whenever the moon is at its perfect form. Like literally go crazy, I loses my sanity. I do bad, bad things I don't really do. It's like the full moon is my alcohol. Nilalasing ako at nawawala sa katinuan.

"Mr. Salazar! I said solve this problem right now!"

Napapikit ako sa inis. But can she really believe that? Ugh, paano ko sasabihin kay Kaori na isa lamang misunderstanding ang nangyaring halikan? Should I say sorry for the kiss?

But then, anong sasabihin ko? Sorry Kaori, hindi ko sinasadya na halikan ka. I just got moonstruck again and the truth is, naiingayan lang ako sa boses mo kaya kita hinalikan para matahimik ka. Sinabunutan ko ang sarili ko.

"Sabi nila may sira daw sa utak ang mga geniuses."

But, why the fuck did I just kiss her? Wala man lang akong kahihiyan sa sarili?! Kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa ko iyon sa kaniya. But you just did, asshole. And there's no turning back. You kissed her. Past tense.

"Oo, nga. Alam ko baliw talaga iyang si Nicholas."

I sighed loudly. I don't think we'll ever talk again. Ni hindi niya na ako pinansin muli pagkatapos ng nangyari sa rooftop. Kapag nagkakatinginan kami ay mabilis siyang iiwas ng tingin. Naging mailap na siya sa akin. And she treats me more than a stranger.

This is all my fault. She probably realized that I'm an asshole, which is probably the truth. Na may habol pala ako sa kaniya. Hindi na ako papansinin nun and this weird relationship will probably end.

But isn't it for the best? At last, my quiet and peaceful life will be back again. At wala ng asungot na susulpot muli sa kung saan-saan para sirain ang araw ko. I guess it's allright that this happened. Wala ng Kaori na manggugulo sa akin. Somehow the thought of that clenched my heart. I almost cursed when images of the sunshine Kaori enters my mind.

Napapitlag ako sa gulat nang isang malakas na hampas sa mesa ang narinig ko. At ang unang mukhang nakita ko ay ang pulang-pula at pikon na mukha ni Mr. Ramos.

"Nicholas Salazar! To my office, right now!"

"S-sir?" gulat at nauutal kong tanong. Damn, what did I just do?

"Mr. Salazar..."

Nakatunganga ako sa harapan ni Mr. Ramos. Narito ako ngayon sa loob ng opisina niya, hindi komportable ang pag-upo sa kaniyang pulang upuan. Kagat-labi akong nagmamasid sa loob ng opisina, hindi alam ang gagawin at sasabihin. Can I just say something? What did I just do and why am I here?

Never akong nakapunta dito and I never violated any rules and law here in this campus. I am a valedictorian all my life and I can say that I am also a good student. Never akong nasabak sa kung ano mang childish na gulo dito sa school.

"Can I ask you first, Nicholas? Are you okay? Ilang araw ka nang walang tulog?"

My brows furrowed. Sasabihin ko na sana na ilang araw na akong puyat pero hindi ko hinayaang bumuka ang bibig ko. I remained silent and unable to speak.

SerendipityWhere stories live. Discover now