Chapter 3

165 94 81
                                    

Chapter 3

"Are you crazy?"

Misa rolled her eyes at me. Lutang parin ako ngayon at iyon lamang ang tanging nasambit ko nang pumasok na kami sa condo. Misa looked like a kid. Manghang-mangha siya sa mga gamit at dekorasyon sa loob ng condo.

Habang ako ay nakatunganga sa labas ng pintuan.

"Oh my, the interiors! Ang ganda ng condo!"

"Yuki, may flatscreen tv! Ack, ang laki."

"Wow, ang laki ng ref."

"Omg, ang daming kwarto." and here she goes. Umakyat na sa ikalawang palapag. Unti-unti narin akong pumasok sa loob. Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang magara at malaking loob ng condominium.

So this is owned by him, huh?

Speaking of our differences in life. Him and me.

"We owned this now, Yuki. Dito na tayo titira mula ngayon," she said with enthusiasm. Bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko. I nodded without a word. Marahan akong umupo sa malaking sofa at malalim ang tingin sa napakalaking flatscreen tv.

"I thought you're keeping me as a secret?"

"Hiwalay na siya sa asawa niya," simpleng sagot niya. Nakatalikod siya sa akin. Nasa harapan siya ng malaking glass window. Malalim ang tingin habang tinatanaw ang magandang tanawin sa harapan.

Natahimik ako bigla.

Misa kept me a secret from him. Hindi ko alam ang dahilan pero baka dahil  pamilyado na ang tatay ko. Hindi ako kinikwentuhan tungkol sa tatay ko. I just know that he's a japanese and he's filthy rich.

That's just it. Pero hindi gaya ng iba, wala akong interes sa tatay ko. Minsan din naman akong naghangad ng isang tatay pero dati pa iyon. I should be either happy or angry. But right now, I only feel nothing. Just maybe a slight of shame and indifference. Knowing that my mother swallowed her pride for us to survive and live.

My family is consist of only Misa and me. I mentally said.

"The reason why you kept me a secret?"

She didn't bother answering my question. She just there for a minute. Ako naman ay naghihintay sa sagot niya.

"I've never asked for your opinion, Yuki. About him. Anong mga nararamdaman mo sa kaniya. Are you angry with him kasi pinabayaan ka niya or are you angry with me because I'm a selfish mother?"

"I... don't know. I don't care actually."

She laughed hysterically. "I wonder what your life might be kung sinabi kita sa kaniya. Hindi ka sana namomroblema sa mga kamalasan ko o di kaya'y pangtuition mo sa college. I should have give you a better life."

"I don't really care, though---"

"You could be his heir, lalo na dahil wala naman talaga siyang anak. Isipin mo Yuki, he can give you anything you want. Habang ako na ina mo, pinagkaitan pa kitang mag-aral," aniya habang sumisinghot. Halatang umiiyak siya kahit nakatalikod.

I had enough of these drama since yesterday.

"Misa, it doesn't matter. Hindi naman ako nag-iisip ng ganyan---"

"But still, pinagkaitan kita ng ama! Kaya nga ako nagboyfriend para magkatatay ka pero iba parin si Ash---" she immediately stopped and I know, hindi na siya iimik ulit.

"Misa, bakit sa tingin mo gusto ko mag-aral sa college? I obviously want to make our life better. Your life better. Para hindi ka na magtrabaho sa bar at para makapag-aral ka ulit. You want to be a nurse, right?"

SerendipityWhere stories live. Discover now