Chapter 1

136 51 5
                                    


" Finally! Yes, walang pasok na! Party! Party!" malakas na sambit ni Jace habang nagsasayaw ng kung ano-anong steps. Napangiwi ako at saka madaling nilikom ang mga gamit na nagkalat sa armrest ko. Unlike my classmates, I'm not that happy. Tumawa naman ang mga kaklase ko ng makita na pasimpleng nag twerk ang best friend ko sa isa pa naming kaklaseng lalaki. Normal na sa aming mag kaklase iyon dahil ganyan naman talaga ugali ni Jace.

Sarap sanang gayahin, tangina pahamak na life.

Naiiling na inayos ko ang pagkasakbit ng backpack ko sa likod ko sabay pasada ng mumunting gusot sa uniform ko. Indeed, finally after long sleepless nights, cramming, rush hour and continuous demand of our teachers per subject we're already free from it. I think last month every one of us looks like a walking zombie sa sobrang pagod at kulang sa tulog. The last time I remember is that I gained a one long lasting pimple friend in my forehead because of school stress!

Bukod kasi sa maraming task ay panay rin ang bigay ng quizzes at ang iba pa nga ay surprise pa na umaabot ng one to fifty. Napasimangot ako ng maalala ko na naman ang score ko sa math. Gracious! Hindi nga surprise pero naka twenty naman ako over twenty-five.

Sinalubong ko ang nagdadaldalan na mga kaibigan ko sabay tingin sa pambisig na relo. Nakahinga ako ng malalim ng malaman kong marami pang natitirang oras para makasama ang mga kaibigan ko. Mukhang hindi ako naramdaman ni Jace sa kanyang likuran at patuloy pa rin dinadaldal si Emma na mukhang hindi naman ganon ka interesado sa sinasabi niya. She was enthusiastically narrating her gossip dramatically to Jace who was looking very uninterested.

Mabilis kong tinusok ang hintuturo ko sa bewang ng nagmamalditang Jace kung saan siya may kiliti. Napairit naman siya at handa na yata akong tampalin ng makita niya ako at ang dalawang kong kamay na nakataas sa ere na para bang sumusuko sa pulis. Sadista as usual. Inirapan niya nalang ako kapag kuwan ay tinignan ako from head to toe.

"Ay, wow! Lakas makasundot sa tagiliran ah! Kapag ikaw hindi ko na ano baka lumapat ng di sinasadya ang palms ko sa precious cheeks mo!" nakataas na kilay na ani niya sabay pabirong inabot ang dulo ng buhok ko na nakaponytail. Even though she came from a very rich family too, she doesn't bother to do things like this, acting like a perfect and primitive lady.

Naghahamon ng kilay at mata niya ng makita ang pabirong pag-irap ko. Alam niya naman hindi ako makakapag walwal at harutan sa kanya sa school premises. Bukod sa may minamaintain akong image ay hindi nalang talaga ako komportable ipakita kung sino ako. Baka mamaya ay maheadline ako sa dyaryo ng school namin.

I just laughed at her and cling my arm onto hers while maintaining my posture and elegance. She immediately glared at me but still laughed afterwards. Ganun rin ang ginawa ni Emma sa kabilang braso ni Jace at sabay kaming tatlo naglakad. While walking some male students greeted us but mostly they were looking at me especially on my legs.

Putangina. Wala kayong legs, mga totoy? Makatingin kala mo pagkain na masarap hayop. Laway na tumutulo na lang kulang pwede nang bangasan. Pero syempre kalma lang kunwari di ko nakita kung paano sila mang manyak.

Deep inside me ay gustong-gusto ko na silang taasan ng middle finger. But since I'm the great and kind Summer, I have no choice but to innocently smile at them. Kaya naman ay binilisan na nila Jace ang lakad nila. Because they knew it was making us uncomfortable, especially Ems. Medyo lang naman sa akin but it was never an excuse. My uneasiness because of their stares were valid even though I don't really care at all. Kahit si Emma rin ay medyo naiilang sa mga tingin nila kaya naman halos kaladkarin na kami ni Jace. Jace on the other hand isn't really affected at all. Baka nga mamaya ay mag twerk pa yan.

We have been best friends since womb according to Lola. Dahil ang lola at mommy namin ay mag bestfriend rin kaya hindi na nakakapagtaka na maging mag best friend rin kami. Kahit na wala na dito ang sarili kong ina after years of.....ay matatag pa rin ang relasyon ng pamilya namin. Sabi nga nila ay baka daw nagkabuhol ang umbilical cord namin.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 16, 2021 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Bone CrushOnde as histórias ganham vida. Descobre agora