Day 9- *Possibility*

174 8 3
                                    

Salamat po sa mga patuloy na nagtsatsaga sa story ko. ngayon lang nakapag-UD. bakasyon na!! babawi nalang po ako pramis xD

(Bryle on the media)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bryle's POV


Nandito ako ngayon sa gymnasium. P.E. class kasi namin ngayon and we're going to play basketball. Nakaupo lang ako dito sa isang bench. Marami na ring tao dito dahil dalawang sections pala yung gagamit nitong gym. Yung mga classmates ko, nandito na, kasama yung isa pang section.

Nananahimik akong nakikinig ng music nang biglang may humawak sa balikat ko. Agad akong lumingon.

"Hey bro!" Sila Ian lang pala. Tinabihan nila ako.

"Hey!"

"Musta na?"

"Balita namin may girlfriend ka na raw ha? Aba, himala!" pang-asar na tukso ni Van.

"Tch." Ayokong magpaliwanag dahil alam kong 'pag nagpaliwanag pa ako, mas lalo lang nila akong aasarin.

"Eto pa ang matindi, we heard na may pagka-nerd daw girlfriend mo ah? Sophia ba yun? HAHA! Hindi mo manlang sinabi sa amin na ganun pala ang taste mo sa babae ah! 'Di sana, pinakilala namin sayo yung mga pa-chicks na may gusto samin."sabi ni Ian, sabay hagalpak ng tawa na sinundan din ng dalawang kutong lupa.

"baliw!"

"Maka-baliw naman 'to! At least hindi malabo paningin 'no! Hahaha!", tawa ni Ethan na parang timang.

Hindi ko nalang sila pinansin at kinagatan ko nalang yung burger kong hawak.

Ewan ko ba, hindi ko maintindihan kung kaibigan ko ba talaga yang mga lokong yan. They are crazy as hell.

"Hi Bryle!" 

Hindi ko napansin na may humintong tatlong babae sa harap ng bench na inuupuan namin.

"Hi girls!" bati ni Van, ang dakilang playboy saming apat.

Hindi sumagot yung tatlong babae dahil nakangiti lang sila sakin. I just ignored them at ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain.

"Dre, pansinin mo naman! Ang gaganda pa naman ng mga chicks oh!" pangungulit ni Van habang kinakalabit ako ng palihim. Palibhasa kasi babaero, tch!

 "Eh di Ikaw ang pumansin. Ikaw nakaisip eh." 

 "Eh ikaw nga yung tinitingnan eh! Hindi naman pinansin si Van." bulong naman ni Ethan. Eto namang si Ethan, okay na sana 'tong isang to. Kaso, eto yung pinakapilosopo samin! Yung tipong mauubusan ka ng ipangsasagot mo dahil sobrang lakas niyang mang-asar at mambara.

"Uy Bryle. Kawawa naman, pansinin mo na! Kahit simpleng ngiti lang di pa magawa oh. Tsk!", singit din ni Ian, sabay siko sa tagiliran ko. Ito namang si Ian, sobrang gentleman at sweet sa mga babae pero hindi siya katulad ni Van.

Kaasar talaga 'tong mga to.

Para matapos na ang lahat, nginitian ko nalang yung tatlong babae, yung tipid na ngiti lang.

"Ahhh! He's so pogi talaga!" 

"Psh. Wag ka ngang malandi dahil magpapakasal na kami next week. Wag ka nang magpapansin!" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

50 Days With The HeartthrobWhere stories live. Discover now