‘Huh? Uy Lorcan. Saan ang punta mo?’

‘Ah. Pupuntahan ko lang si Natalia my baby.’

‘Natalia? Sinong Natalia?’

‘Ba—....*natigilan* JASMIN!! I-ikaw pala. Hehehe

‘Sino si Natalia, Lorcan? May ibang babae ka na ba? Gusto mo bang isumbong kita kay Bel?’

‘Wala! Wala talaga! P-pinsan ko siya! Pinsan lang!’

Pinsan ang isinagot ni Lorcan ngunit alam ni Jasmin na nagsisinungaling siya. Alam niyang walang pinsan na babae si Lorcan ngunit may kapatid na babae. At imposible naman itong magkaroon ng ibang babae dahil hindi niya ugali ang manloko ng babae.

“Hindi kasi marunong magsinungaling yang kuya mo. Ang alam lang magtago.” aniya ni Akari.

Napabuntong hininga si Natalia, “S-sorry.... sorry kung nagsinungaling ako at itinago ang tunay kong pagkatao sainyo.”

“Sus! Wala kang itinago dahil alam naman namin. Tsaka ayos lang. Hindi naman masakit.”

“Nga pala. Bakit niyo kinidnap si Sue noon?”

Tumuloy na sila sa paglalakad habang naguusap.

“Utos saamin ng leader na patayin ang kung sino man na pakakasalan ni mr. Vaughn.” sagot ni Natalia.

“Ibig sabihin, kayo ang pumatay kay miss Rowen?” seryosong tanong ni Sue.

Nakaramdam ng guilt si Navi. “Hindi. Pinapatay siya ni Lorcán noong malaman namin na ikaw ang tunay na asawa. Sinubaybayan kita at binantayan Sue. Sinikap namin ni Lorcán na hindi malaman ng leader na ikaw ang tunay na asawa. ”

Napangiti si Sue na ipinagtaka ni Navi. May nakakatuwa ba sa sinabi niya? “Mabuti at hindi kayo nagbago.” makahulugang aniya na naaintindihan naman niya.

“Siyempre, nasa patakaran natin yun e.”

Itinuloy ni Natalia ang pagpapaliwanag, “Plinano namin ang ma-kidnap ka. Dahil nalaman namin na inutusan ng leader ang iba na sila na ang pumatay sa asawa ni mr. Vaughn, matagal na rin kasi kaming hindi na nakakapagreport that time. Mabuti nga at naunahan namin sila bago ka makuha ng iba. Itinago ka namin sa abandonadong bodega na hideout natin dati na tayo tayo lang ang nakaka alam noong araw na kumilos na ang mga tao ni leader.”

Kumunot ang noo ni Akari, “Kaya doon mo siya dinala dahil alam mo na alam ko ang lugar na yun?”

“Oo.”

“Eh paano si Ellie? Bakit naman dinukot ni Lorcán pati yung asawa ni mr. Montero?” tanong naman ni Sue maalalang kasunod niya noong nadukot si Ellie.

“Plano rin siyang patayin ng leader dahil minsan na daw na pinahiya ni miss Ellie si Maddie.”

“Maddie? Yung anak ni boss?” hindi makapaniwalang tanong ni Akari.

“Exactly. Sa totoo lang, hindi naman talaga namin siya balak pang pakealaman pero nang malaman kong pinahiya niya yung malandi at papansin na anak ng leader ay napansin kong worth it na pati siya ay iligtas na namin. Hahahaha” natawa rin ang dalawa sa kwento ni Natalia.

Kilala si Maddie na anak ng isang leader sa Gangster underground organization. Nag iisang anak ng leader kaya lahat ng nais niya ay nakukuha. Spoiled brat. Siya ring kina iinisan ng tatlo dahil sa ugali nitong hindi maganda. Kaya natuwa sila nang malaman na nakahanap na ito ng kaharap at nagawa pa siyang ipahiya.

The Billionaire's Childish Wife (√)Where stories live. Discover now