"So, bakit ka nga nandon sa law firm? Anong ginagawa mo don?" Balik tanong nya ulit sakin.

Ano nga ba ulit ang ginagawa ko don? Anong sasabihin ko? Na sinundan ko sya kasi nag-aalala ako sa kanya? Ah, bahala na!

"After ko masiguro na nakauwi na ng ligtas sila mama at papa, naisipan ko na sundan at puntahan ka sa law firm para masiguro din na ligtas kang nakabalik." Paliwanag ko sa kanya.

"Nung nakarating nako, naisipan ko na dumaan sa parking lot to check kung nandoon ka na ba. At doon ko napansin yung dalawang lalaki na 'yon na minamanmanan ang sasakyan mo." Pagpapatuloy ko.

"Hanggang sa lumabas ka nga ng elevator at lapitan ng dalawang 'yon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Inantay ko rin na sumigaw ka para humingi ng tulong pero hindi mo ginawa." Lumingon ako sa kanya na nagtatanong ang mga mata kung bakit hindi sya sumigaw.

"It's no use. Sobrang laki ng parking ng law firm at rumonda ang guard na bantay doon papunta sa kabilang side ng parking. Kung sumigaw ako baka mas lalo lang akong napahamak." Sagot niya sakin.

Tumango ako dahil naintindihan ko rin naman ang punto niya.

"Pero nung nakita kong hinawakan ka na ng dalawang gagong yun at makita ko ang takot sa mga mata mo, hindi nako nakapag-isip. Ang una ko na lang na naisip non ay patunugin kahit isa sa mga sasakyan lang na alam kong imposible kasi hindi ko naman mahahawakan 'yon..."

"Pero nahawakan mo Ken. Niligtas mo ako." Nakangiting wika niya. Bakas sa mga mata niya ang saya at pagpapasalamat na naroon ako nung mga oras na iyon.

"Ano nga pala ginagawa mo dito sa village namin Ken?" Takang tanong niya muli.

"Hinabol kasi kita nung makatakas at makatakbo ka palayo sa dalawang hayop na 'yon, pero hindi kita naabutan. Nag-alala ako kasi baka kung ano ulit nangyari sayo kaya nagbakasakali akong pumunta sa bahay mo para i-check kung ligtas ka ba na nakauwi." Paliwanag ko sa kaniya.

"Actually, nung makatakbo ako, sumakay na lang ako agad sa jeep na huminto sa tapat ng lawfirm." Nagtataka akong lumingon sa kanya. Napangiti sya ng makita ulit ang pagtataka sa mata ko.

"Halos lahat ng mga damit na sinusuot ko ay may secret pocket. Kaya hindi ako natatakot na mahold-up dahil lagi akong may back-up na pera. Kaya nung huminto yung jeep, agad-agad akong sumakay at ang nasa isip ko lang non ay ang makauwi sa condo ko para magpakalma." Sagot niya ulit.

"May condo ka?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Oo, doon ako nagsstay kapag alam kong minamanmanan o sinusundan ako. Doon din nakatago yung ibang sasakyan ko."

"Kaya pala iba 'tong sasakyan na gamit mo ngayon." Sabi ko habang pinapalibot ang mata ko sa loob ng sasakyan niya.

"Yup. By the way, let's go inside. Nagugutom nako, samahan moa ko mag dinner ngayon. I'll cook." Pag-aaya niya sakin at nauna ng lumabas ng sasakyan para pumasok sa loob ng bahay niya.

Ilang minuto akong natulala sa kawalan ng marealize ko ang sinabi niya. Kakain? Kami? Makakain na ulit ako ng mga pagkain na kinakain ko nung buhay pa ako?

Isang malalim na hininga muna ang pinakawalan ko bago ako lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay ni Atty. Mia.

~

"So, anong plano mo Ken? Ngayon na buhay ka na ulit? Magpapakita ka ba sa mga magulang mo?" Tanong ko sa taong kasama ko ngayon. I just can't believe that he's really alive now. Napatigil ito sa pagsubo ng pagkain at napatitig sakin ng ilang minuto.

"Hindi ko alam Atty." Sagot niya sakin sa mababang boses.

"Mia." Napa-angat siya ng tingin sakin, nagtataka kung bakit sinabi ko ang pangalan ko.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Where stories live. Discover now