IV

119 3 0
                                    

Nasamid ako sa sinabi nya.

"Joke lang." sabi nya na nakangiti.

"Wala lang, I just thought na okay ka maging kaibigan."

"Ah, ganun ba.." sabi ko.

kaibigan lang? Akala ko naman, girlfriend.  Ang gwapo naman kasi e. sayang. Haha!

Nagkwentuhan lang kami. Nalaman kong anak-mayaman pala siya at magkasing-edad lang kaming dalawa. Pero sya, home-schooled sya ngayong 4th year.

Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam na ako sa kanya.

"Bakit uuwi ka na? 3pm pa lang ah." sabi nya.

"Ah, marami pa kasi akong gagawin."

"Ha? E wala namang pasok bukas ah."

"Paano mo nalaman?"

"E diba lahat, sembreak na bukas? Pwede bang maglakad-lakad muna tayo? Kahit hanggang 4pm lang. " sabi nya. "Please?..."

"O sige. Basta,." sabi ko. "Until 4 lang ha?"

"Sige." sabi nya.

Nag-ikot-ikot muna kami. Nag-volunteer din syang tulungan akong mgadala ng mga gamit ko.

Sa odyssey, sa mga boutiques at ang final stop: National Bookstore.

"Haay..." buntong-hininga ko nang makita ang presyo ng A Walk to Remember na book.

"Bakit?" tanong sa kin ni Marcus nang marinig nya kong bumuntong-hininga.

Tinignan nya yung hawak ko.

"Gusto mo ito?"

"Not much. Mahal eh." sabi ko. "Wala pang allowance pag sembreak."

Binitawan ko na yung libro at niyaya ko na siyang umalis.

"Hatid na kita." sabi nya na ikinabigla ko.

"Ano?"

"Sabi ko, hatid na kita." ulit nya

"Naku, hindi na. Kaya ko na ito." sagot ko

"Sure ka? Baka nahihiya ka lang?"

"Ang kulit mo. Tsaka, paano mo ko hahatid wala ka namang wheels?" pagbibiro ko.

"Ay oo nga pala." sabi nya.

"Sige, next time nalang pag may wheels na ko."

"May next time pa?!" tanong ko

"Syempre naman! Astig ka kaya. Kaya dapat mas maging close pa tayo." masayang sabi niya.

Napailing ako.

"Tss! Bolero! Sige na, mauuna na ako. Baka gabihin pa ako e. Ikaw ba? Di ka pa ba uuwi?"

"Hindi, sige mauna ka na. May hinihintay pa ako e." sabi nito.

"Asus! Girlfriend mo noh?"

"Hindi ah! Wala akong girlfriend."

"Weh?..."

Sa gwapo niyang yan, wala siyang girlfriend? Asa naman...

"Oo nga." sabi nito. Umiling-iling pa ito. "Sige na, ingat ka ha."

Ramdam kong nag-blush ako sa sinabi niya.

"Okay, sige." sabi ko at lumabas na ako ng mall. Nang makatawid na ko, nandun pa rin sya sa exit door.

"Bye!" sabi niya na kumakaway pa sa akin.

"See you tomorrow!"

Ano raw?

May tomorrow pa?

Anong ibig niyang sabihin?...

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon