II

159 3 0
                                    

Naglalakad-lakad na ako sa mall nang may nakita akong magandang libro ni Nicholas Sparks na naka-display sa labas ng National.

Napatigil ako dahil ayon sa ni-research ko kagabi, yung "A Walk to Remember" daw ang isa pang librong sinulat ni Sparks na sumikat gaya ng "The Notebook".

Never akong naging fan ni Sparks pero nang mabasa ko yung The Notebook, naging interesado na ko sa kanya.

"Ay kabayo!" napasigaw ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

"Ang bilis mo namang maglakad. Kanina pa kita hinahabol." sabi niya. Siya.... siya yung lalaki kanina.

"I-ikaw?" gulat na sabi ko.

"Miss, naiwan mo kasi itong plastic envelope mo sa sidewalk kanina. Tinatawag kita ng paulit-ulit pero di mo naman ako naririnig." nakangiting sabi nya sakin habang inaabot nya yung plastic envelope ko.

"Ah, G-ganun ba? T-Thank you..." sabi ko nang kinuha ko yung envelope ko mula sa kanya.

"S-sige, mauuna na ako. Thank you ulit ha." sabi ko sabay lakad uli palayo.

"Teka lang miss!" malakas na sigaw niya dahilan para mapalingon kaming lahat na naglalakad sa kanya.

Tumakbo sya palapit sa akin.

"Ako nga pala si Marcus." sabi nya

"N-nice meeting you Marcus." sabi ko. "Sige, mauuna na talaga ako. Salamat na lang uli."

Pagtalikod ko, hinawakan nya yung braso ko.

"Ah, miss.." sabi na naman nya. hay!

"Bakit na naman?" sabi ko na mejo asar na. "May nalimutan na naman ba ko?"

"Chill ka lang miss." sabi nya. "Yung pangalan mo...Nalimutan mo ibigay yung pangalan mo."

"Amethyst." sabi ko.

"Amethyst ang name ko."

"Nice to meet you too, Amethyst"

sabi nya.

"Okay. So now, pwede na ba kong umalis?" inis kong tanong.

Ngumiti sya. I was about to walk away for the 3rd time nang humarang sya sa daraanan ko.

"Ano bang problema mo?" asar kong tanong with my fists on my waist. "May pupuntahan pa ako!"

"Wala akong kasama," sabi nya.

"So? That's not my problem." sabi ko.

"Go with me?" he told me with a smile on his face.

"Ha?!" gulat kong sabi. "Anong pinagsasasabi mo?"

"Dito lang naman tayo. Treat kita." sabi nya.

Siraulo ba to?

"Bingi ka ba? Di ba sabi ko may pupuntahan ako?" sabi ko sa kanya.

"E di ako nalang." sabi nya

"Anong ikaw na lang?"

"Ako na lang kasama mo... Pwede ba kitang samahan?" sabi nya.

"Can I come with you?....."

Forever With YouWhere stories live. Discover now