Chapter 8

3.5K 157 12
                                    

Raxiine eyes couldn't get through, and stuck on the faint reflection of himself in the glass window where droplets of cold held on. The black mask of the night made a terrible wave on the thick clouds outside along with the jarring thunders. 

"Cabin," pahayag niya at umahon sa kanyang upuan sa likod ng dalawang piloto.

Lumabas siya ng cockpit at nilandas ang hallway. Saglit siyang nahinto at pinukol ng tanaw ang cabin ni Yvonne. He was told earlier she isn't eating anything for dinner. That girl is overly stubborn. She is scared of him and yet she tried to fend herself off, not showing him a single tear. Wala rin namang mararating ang mga luha nito.

Nagtuloy siya sa kanyang cabin at sumaglit ng warm bath. Past nine in the evening, few more hours and they'll be clear to Mauritius. Habang ibinubuhol ang sintas ng robe palabas ng banyo ay napako ang mga mata niya sa framed picture nilang magkakapatid na nasa ibabaw ng sidetable. Nagtagal ang titig niya kaya Rayven at bumaha ang alaala ng pangit na nangyari kahapon sa kasal nito.

"Stand down, stupid. You're too excited, it's unnerving!" awat niya sa kapatid na katabi niyang nakatayo sa ibaba ng altar habang hinihintay nila ang bride nito. He stood as the best man for that occasion.

"I'm not excited, Rax. I'm agigated because I knew she might not appear. The girl is in love with someone else," matigas na sagot ni Rayven. "If that happen, how do you think should I comfort all these guests?"

"You're overthinking, Rayven. Darating si Hope."

"As far as I know, she is the complete opposite of her name."

May issue si Rayven sa magiging bride nito, alam niya iyon bagamat hindi nagkukuwento sa kanya ang kapatid. Marahil ay hindi sineryoso ni Hope ang posibilidad na darating ang dalawa sa ganitong punto. Pilyo si Rayven, tatas ng kalokohan at sakit ng ulo ang ibibigay kung hindi kabisado ng isang tao ang takbo ng utak nito.

They've waited for almost an hour. Maniniwala na sana siyang tama ang hinala nitong hindi darating ang bride nang marinig nila ang ingay mula sa pulta-mayor ng simbahan. Hope is coming, wearing her wedding gown but no bouquet and head dress. No music either while she is marching on the golden aisle alone. Tinawid nito ang aisle papunta sa kinaroroonan nila. Her face is calm and pale. Eyes are misty with emotions she tried not to let go.

Nilukob ng pagtataka ang mga bisitang dumalo. Nagtagis siya ng mga bagang. No way. This isn't going to be a scope for another buzzing against their family. Linggo-linggo na lang ay nasa hot category sila na pinag-uusapan sa mga pahayagan at magazines.

"Rayven," he warned sternly.

Madilim ang mukhang sinipat siya ni Rayven ng pumapatay na tingin.

"Shut up! Better go and order the boys to talk to the guests. I have told you, no wedding ceremony. Go, darn!" Itinulak siya nito.

Iniwan niya ang kapatid at hindi na narinig pa kung anong sinabi ni Hope rito. Seemed a very short note though. Umalis din kaagad ang dalaga at si Rayven ay naiwan doon sa ibaba ng altar. Nanatiling mahinahon at bahagyang nakatingala sa kisame na wari ay hinamig ang sarili mula sa nagpupuyos na damdaming bawal makita ng karamihan. That day carved an ugly scar in his heart. His brother, the only Rayven Andromida of his clan was rejected by a woman.

Dinampot ni Raxiine ang whiskey glass at tinikman ang matapang na alak. Women and alcohol are the same. Cold, dull, and bitter. Getting himself addicted to them will only give him a tearing hang-over. Not good. Sinaid niya ang laman ng baso at nilapag iyon sa ibabaw ng sidetable.

Lumapit siya sa intercom at nagsalita, "bring her to me."

Hinubad niya ang suot na robe at ibinagsak ang sarili sa kama. Minutes later, censored codes from the door signaled him. He took his phone and type the codes. Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa sa mga royal guards niya hawak sa magkabilang braso ang babaeng nagpupumiglas para makawala. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang bumangon.

NS 14: PRINCE IN COLD ARMOR ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon