Pinagmasdan ko ang pagod na pusa na tuloy lang sa pagkain sa bowl nya habang nasa kama ko

Hinayaan ko lang sya doon at nilabas ang mga damit at mga sapatos ko mula sa aking bagahe pagkatapos ay inayos ang pagkakalagay nito sa walk in closet

Paalis na sana ako ng kwarto ko nang may makita akong maliit na itim na kahon sa sahig

Why did this thing doing here?

Pero wala na rin akong nagawa kung hindi ang buksan ito kung saan tumambad sa akin ang isang kwintas

It has a daffodil pendant

I knew it, ito yung binigay sa akin ni Dad bago ako umalis kanina. I just threw it on my bed

Hindi naman ako mahilig sa mga alahas at paniguradong hindi niya iyon alam

What a good father

Halatang hindi nya alam ang mga bagay na gusto ko, anong klase syang ama?

Sinara ko ang mga bintana para siguradong hindi tatakas si Lilypop at lumabas na ako ng kwarto

Saktong kalalabas lang din nina Minzee at Hannah galing sa kwarto nila, nagkagulatan pa silang dalawa ng sabay sabay kaming lumabas galing sa mga kwarto namin

"Sa tingin ko masyadong malaki yung dorm ko para sa akin lang"

"Oo nga eh! Mukang ang laki talaga ng budget ng school na ito noh? Ang swerte talaga natin!"

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpaunang maglakad, kaagad naman silang sumunod sa akin

Stop following me!

"Medyo nagugutom na ako, pumunta nalang kaya tayo sa canteen?"

Biglang singit ni Hannah habang hawak ang tiyan nya

"Ako nga rin eh pero may oras pa naman tayo, 9am pa tayo kailangan pumunta sa mga classrooms natin"

At saktong kumalam ang sikmura ko, doon ko lang naalala na hindi pala ako nag-almusal kaninang umaga. I usually lose my appetite when I'm sharing a table with my siblings

Kaya agad kaming naglakad papuntang cafeteria pero dahil sa lawak ng school na ito ay matagal pa bago namin ito narating

At habang naglalakad ay nililibot ko ang mga mata ko para naman maging pamilyar ako sa mga dinadaanan namin

"Alam mo ba Seri? May iba pa kaming kaibigan dito" Sabi ni Minzee

The hell I care

"Naging magkakaklase kami noong pre-elem palang kami roon sa Kalopsia Lunette Elementary School, pero nung naging first year highschool kami dun lang kami naging close lahat" Paliwanag ni Hannah

"Ipapakilala kita sa kanila mamaya! Sigurado magugustuhan ka nila!" Dugtong pa nito

Tinanong mo ba kung magugustuhan ko sila?

Hindi nalang ako nag-react dahil wala naman akong pakielam sa mga kaibigan nila at sa haba ng oras naming naglalakad ay narating na rin namin ang cafeteria pero bago pa man kami makapasok....

May lumipad na estudyante palabas ng pintuan ng cafeteria-- as in he flew like he has some wings

"Hala! Lincoln?!"

"Ayos ka lang?!"

Natatarantang sabi nung dalawa at agad nilapitan yung lalaking lumipad palabas ng pinto ng cafeteria na ngayon ay nakasandal sa pader habang naka-upo. Those two probably knew him

The Pieces Of The Mafia's HeartWhere stories live. Discover now