Chapter 8

5.6K 229 11
                                    

A/N:

I'm so sorry, Angels... Hindi ko pala naisama ang part na 'to kung kailan malapit na matapos ang #BIL hahaha! Puwede namang 'di basahin 'to at mukhang hindi naman nakaapekto sa buong kuwento. Pasensya na at offline kasi ako magsulat. Copy paste lang ang kaganapan sa akin dito. Kaya nang na-doble pala ang Chapter 8, 'di ko napansin. Sorna po. Anyways, salamat sa pagbabasa sa story nila. Ingat po lagi. :)

Love,

Ate Mommy Dean


********

CHAPTER 8

Chloe


Matapos ang masayang hapunan na iyon ay nagkanya-kanya na kami nang galaw. At dahil ayaw naman akong payagang tumulong sa kusina ay nagdesisyon akong tumambay sa veranda at nag-browse sa aking cellphone.

Pero hindi pa man ako nag-iinit sa pag-upo ay agad na sumulpot si Terrence at nakapamulsang lumapit sa akin.

"May I join you?" pormal na tanong pa niya.

Ngumuso ako at bahagyang umirap.

"Bahay mo 'to kaya 'di mo kailangang magtanong."

Tumango lang naman siya at naupo sa katabi kong rotating lounger chair. Komportable siyang pumuwesto at humarap sa akin.

"So, are you with Jonas now?"

Kumunot ako at kahit pa nag-aalangan sa tanong ay umiling pa rin ako bago magtanong.

"I think sinagot ko na ang tanong na 'yan kanina."

Nagkibit-balikat siya at umalis sa pagkakasandal sa upuan. Sa halip ay ipinatong niya ang mga siko sa kanyang mga hita at pinagdaop ang mga palad.

"I just thought na nahihiya ka lang sumagot ng totoo."

"Why? Sa tingin mo 'di pa ako nakaka-get over sa 'yo?" matapang kong tanong kahit pa hindi ako sigurado kung iyon nga rin ba ang nakarehistro sa aking mukha.

Nagpakawala siya ng mapaklang tawa at umiling-iling.

"You're still young. I could understand if your feelings change from time to time."

"Tama ka... Gano'n nga siguro 'yon," sang-ayon ko na lang kahit pa alam ko sa sarili kong wala pa ring alam na mahalin ang puso ko kundi siya. "How about you? Sino nang girlfriend mo ngayon?"

Umiling lang naman siya at mapaklang nagpakawala ng ngiti.

"I am not into it yet," simple niyang sagot.

Hindi ko tuloy malaman kung sinsero ba siya o papaano. Kabaligtaran kasi ang mga naririnig ko patungkol sa kanya.

"That's kinda hard to believe. Ikaw pa ba?" Nagpakawala ako ng mapaklang tawa at umiling-iling.

"Why? Ano bang pagkakilala mo sa akin?"

Mataman siyang tumitig sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata. Saglit akong nawala sa sarili dahil doon. Hindi ko pa rin talaga maiwasan ang ma-concious.

"Gustong-gusto mo ang atensyon ng mga babae. Gwapo ka, kaya nakalalamang na na-e-enjoy mo 'yon sa university mo."

Malalim siyang napaisip bago tumango-tango.

"Alam kong gwapo ako... pero 'yong gustong-gusto ko ang atensyon ng mga babae? Hmm... I am not so sure of that."

"Umamin ka na. Hindi ko naman ipagkakalat," biro ko pa, pero tawa lang ang isinagot niya sa akin.

BACK INTO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon