Chapter 29

6.1K 258 29
                                    


CHAPTER 29

Terrence Lee


Palabas kami ni Yuri nang maramdaman kong nakasunod pa rin si Chloe. Hindi man siya nagsasalita ay alam kong pinapanood niya kaming dalawa.

"Are you sure hindi natin isasama ang ex mo?" nakangising tanong ni Yuri.

Pasikreto ko siyang pinaningkitan ng mga mata at natatawa naman siyang kumapit sa aking braso.

"O siya, tulong ko na ito kahit na feeling ko isusumpa niya ako!"

"You're crazy."

"I think siya 'yong ikinuwento sa akin nina Chance at Kirsten noon. 'Yong kababata mo?"

Bumuga ako ng hangin. Mapapatay ko talaga si Chance sa sobrang kadaldalan! No wonder kung bakit nagkaka-idea sina Dalton at Vaughn.

"W-w-wait... Don't tell me siya 'yong—" Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang ma-realize kung sino talaga si Chloe.

"Stop right there, Yuri. Hindi ka puwedeng magpaka-fangirl dito."

"Oh my God! Kaya pala familiar ang mukha! Naka-wig kasi kaya 'di ko masyadong nakilala! Why didn't you tell me?!" may himig panenermon pang aniya.

"Keep quiet."

"I so hate you right now, Terrence!" Matalim pa niya akong inirapan.

"Behave, Yuri." Umiling ako. Ayoko rin namang biglang magkagulo.

"Puwede bang magpa-picture man lang?!" hirit pa niya.

"No," matigas kong sagot.

"Ang damot!" nakasimangot pang aniya sabay lingon kay Chloe na noo'y medyo nakadistansya naman sa amin.

"Ang gwapo mo, Terrence. Iba ka," nang-uuya pang aniya. "Isang picture lang, please?" Pinagdaop pa niya ang mga palad na akala mo dinadasalan akong pumayag.

But no. Hindi safe kapag wala ang mga bodyguards niya.

"Some other time, Yuri."

"E, 'di isama natin mamaya sa dinner!"

"I said no."

Muli siyang umirap at sumimangot.

"I wonder what made you so mad at her, huh? Kuwento ka naman!"

Sa halip na sumagot ay umiling lang ako. Wala pa ring nakakaalam sa kung ano'ng pinag-awayan namin. Hindi kailanman nakaka-proud ang ginawa ni Chloe.

"Napaka mo, Terrence! Nakaiinis ka talaga! As in!"

Hindi na ako kumibo.

Nang magbukas ang lift ay agad kaming sumakay. Mabilis din namang nakasunod si Chloe na alanganin pang tumingin sa akin at kinagat ang labi.

At ganoon na lang ang gulat ko nang biglang lumapit si Yuri rito at agad na inilabas ang cellphone para mag-selfie.

I couldn't fucking believe it!

"Yiee! Thanks, Chloe! Ito kasing ex mo, pasaway! Hindi sinabi agad sa akin!"

"Favor? Puwedeng huwag mo muna i-post habang nandito pa ako sa Pilipinas?" nahihiyang pakiusap ni Chloe.

Maagap namang tumango-tango si Yuri na walang pagsidlan ng kaligayahan.

"Ang ganda mo sa personal, Chloe!" Halos mapapalakpak pa ito at nakairap na sumulyap pa sa akin.

BACK INTO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon