Chapter 25

6.4K 273 51
                                    


CHAPTER 25

Terrence Lee


Mas naging mahirap ang pagkikita namin ni Chloe ng mga sumunod na araw. Naging sobrang abala niya sa pagre-record ng demo videos at kahit text ay dumalang na rin.

Kalahatian ng buwan ay sunod-sunod ang inilabas na duet songs nila ni Harper sa lahat ng social media sites. Their voices were so matched like it was made in heaven. I somehow felt uneasy just by watching them together. Ginawa pa silang loveteam ng iba dahil bagay na bagay daw. Pero alam kong trabaho lang ang lahat.

"She's really making it big, huh?" Si Vaughn.

Hindi ko siya pinansin at sa halip ay itinuon lang ang atensyon sa pagba-browse sa account ni Chloe. I missed her so much. Isang linggo pa lang kaming hindi nagkikita, but it felt like forever.

"Are you guys getting serious?" nakangising tanong pa niya.

Umismid lang ako at mas piniling 'di sumagot. Kilalang-kilala ko si Vaughn. Sobrang tsismoso ng lokong 'to at nasisiguro kong parang nagsalita rin ako sa trompa kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Chloe. Limitado lang ang alam niya at ayos na ako roon.

"Jeez... You're so whipped!" tukso pa niya.

Umismid lang ulit ako at hindi pa rin siya pinansin. Kapag kaming dalawa ang magkasama, mas pinipili kong ibalik ang kalokohan niya sa akin. Kaya naman iba rin talaga ang pagkakilala ng mga tao sa akin dahil dito.

Nang dumating si Mark ay agad na ring umalis si Vaughn. Mukhang may katagpuan na namang babae ang loko.

"Have you seen the news, dude?" seryosong bungad pa ni Mark.

Umiling lang ako. Kanina pa ako masyadong engrossed sa pagtitig sa mga pictures ni Chloe.

"Chloe and her partner Harper were all over the news."

"Really?" Agad akong napadiretso ng upo at mabilis na pumasok sa ibang social media site.

And, yeah... He's right. Halos sumabog ang notification ko tungkol sa kanilang dalawa.

"Look for Chloe's interview."

Tumango ako at naghanap nga ng latest news. Nang makakita ay agad ko iyong pinindot at pinanood. Normal lang naman din ang mga tanong at gaya pa rin ng dati. Nadagdagan man ay tungkol sa team up nila ni Harper.

Reporter: Pinu-push kayong dalawa ng mga fans ninyo. May pag-asa bang maging kayo?

Chloe: Naku, ano ba naman 'yan!

Nahihiya pa siyang sumagot. Halatang 'di komportable sa ganoong tanong.

Reporter: Okay,ganito muna pala dapat ang tanong— may boyfriend ka na ba?

Hindi man ako nakatingin kay Mark alam kong nasa reaksyon ko ang buo nitong atensyon.

Chloe: W-wala po...

Pakiramdam ko ay tinarak ng milyong beses ang puso ko sa sagot niyang iyon.

Reporter: Ayon naman pala! May chance pala kayo ni Harper. Sabi niya sa amin, single pa rin siya!

Chloe: Naku, 'di ko po kayang sagutin iyan...

Agad kong pinutol ang video at hindi na tinapos iyon.

"Are you okay, dude?" nag-aalalang tanong pa ni Mark.

Tumango ako at mapait na ngumiti.

"It's all part of her job. We talked about it," pagsisinungaling ko pa.

BACK INTO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon