Chapter 24

6.2K 240 10
                                    

CHAPTER 24

Chloe


Matapos na may mangyari sa amin ni Terrence ay maraming beses pa ulit naulit iyon. Walang araw kaming sinayang at kahit na mahirap ang pagkikita ay pinilit niyang gumagawa ng paraan.

Pero hindi pa man natatapos ang buwan ay saka pa dumating ang balitang kailangan ko nang pumunta sa New York!

Halos wala akong pagsidlan ng kaligayahan kung kaya't kahit pinagbawalan na ako ni Terrence mag-drive ay talagang nagpumilit pa rin ako makapunta lang sa kanya.

"I can't believe you—" Salubong pa ang kilay na bungad niya.

Pero sa halip na pansinin ang galit niya ay mabilis ko siyang niyakap kasabay nang talon ko.

"W-what?" Napuno ng pagtataka ang kanyang mukha.

Abot-tainga pa rin ang aking ngiti nang humiwalay.

"Pupunta na ako ng New York!" masayang balita ko pa.

Gulat lang siyang napatitig sa akin, pero agad ding nakabawi nang mag-sink in sa kanya ang sinabi ko. Mabilis niya akong binuhat at hinalik-halikan sa mukha.

"Oh my gad, Baby! I am so proud of you! So proud!"

Hindi pa rin ako makapaniwalang abot-kamay ko na talaga ang lahat!

"I am so happy, Bae. Magiging singer na talaga ako!" naiiyak kong sabi.

It was my childhood dream. Sobrang saya talaga na isa ako sa nabigyan ng pagkakataon!

"Hindi naman ako nagduda na magiging singer ka talaga. I knew that you'll make it big," nakangiti pang aniya. "When are you leaving?"

"As soon as possible raw. Wala pa lang akong ideya kung kailan talaga. Kinakabahan ako, Bae."

Bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"Bakit ka naman kakabahan?"

"I dunno." Napakibit-balikat ako. "Ibang bansa kasi iyon. Tapos 'di pa kita kasama..." malungkot kong dugtong.

Hindi ko alam kung makaka-survive ang relationship naming dalawa.

"We'll make it, okay? Basta unahin mo na lang muna ang pangarap mo. Ituloy mo rin ang pag-aaral mo roon kapag may pagkakataon, ha?"

Tumango ako. Sobrang suwerte ko dahil may supportive akong boyfriend.

"Pero hindi ka pa rin dapat sumugod dito. Sinuway mo na naman ako," sermon pa niya.

I rolled my eyes. Consistent din ang isang 'to, e.

"Pagbigyan mo na ako. Sobrang happy ko lang kasi." Ngumuso ako at manipis na umirap. "Labas tayo? Libre mo ako?"

Naiiling lang siyang tumawa at banayad na pinisil ang pisngi ko.

"Fine. Sayang naman ang punta mo rito."

"Yes!" Excited pa akong pumalakpak at mabilis siyang hinalikan sa mga labi.

Natatawa lang naman siyang umiling bago hawakan ang aking kamay at iginiya ako papunta sa parking lot.

Tamang nag take-out lang kami ng pagkain at sa suite niya kami tumuloy. Lately, puro ganito ang gawain namin. Hangga't may time, gusto naming nasa pribadong lugar kami at nagagawa namin lahat ng gusto naming gawin.

"Ano sa tingin mo ang mangyayari sa atin? Ilang buwan o taon kaya tayo hindi magkikita?" malungkot na tanong ko pa habang hubad na nakahiga sa kama.

BACK INTO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon