Chapter 39

6.6K 324 50
                                    

CHAPTER 39

Terrence Lee


"What the fuck, dude!" gigil na sigaw ni Dalton sa may pintuan na nagpaigtad sa akin. Kasunod niya sina Vaughn, Chance, Danzel at Tyrone na pare-parehas na salubong ang kilay.

Pinilit kong idilat ang mga mata ko kahit pa sobrang hirap dahil sa sakit ng ulo ko. Nakaalis si Chloe nang 'di ko namalayan kagabi dahil sa dami nang nainom ko bago pa man kami umakyat sa suite na ito.

"Bumangon ka na riyan!" iiling-iling pang sabi ni Vaughn sabay hampas ng unan sa akin.

"What the fuck is wrong with you?!" inis akong bumangon kahit pa nga parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

"Wala kang alam?" Si Tyrone na seryosong-seryoso rin ang mukha.

Umiling ako. "W-what?" Nalilito kong tanong habang pinapasadahan sila ng tingin.

Lumapit sa akin si Danzel at inabot ang cellphone nito.

Kahit pa medyo nanlalabo ang aking paningin ay binasa ko iyon. Pero ganoon na lang din ang gulat ko nang mabasa ang ang ilan sa mga nakasulat doon.

Chloe Smith- a well-known singer had an abortion at 16 years old...

Hindi ko pa man nababasa nang buo ang balita ay nag-scroll na ako pababa. Walang ibang laman ang social media kundi ang balitang iyon kay Chloe.

The reporter said that Chloe Smith got pregnant at a very young age by Terrence Lee Zamorathe son of a rich business tycoon Edmundo Zamora.

Chloe Smith was definitely not a role model for her fans.

Chloe Smith was a baby killer!

Muli akong nag-scroll at mas marami pang ibang mga balitang puro kasiraan lang ang laman. Puro maling paratang!

Saglit akong nablanko at awang ang mga labing tumitig sa mga mukha nila.

"May sinabihan ba kayo tungkol sa sinabi ko noon?" kunot-noo kong tanong habang isa-isa silang tinitingnan.

"Alam mong gago kami, Terrence, pero alam mo ring hindi namin magagawa sa inyo ni Chloe 'yan," si Vaughn na halatang disappointed sa ginawa kong pagtatanong.

"Wala akong sinabihan kundi kayo! At alam kong impossible ring magsalita si Chloe tungkol doon!"

"Look, dude, wala kaming pinagsasabihan. At kung masabi man namin sa mga asawa namin, wala sa kanilang magsasalita." Si Chance. "Hindi naman iba sa amin si Chloe."

"Fuck!" Inis akong tumayo at agad na pumunta ng banyo para maghilamos.

Nang makalabas ay seryoso pa rin silang nakatingin sa akin na para bang naghihintay sa susunod kong gagawin.

"I need to find Chloe."

"She's been staying in our new hotel near the airport," si Tyrone.

"What about the paparazzi?"

"Walang paparazzi roon pero marami sa paglabas mo rito." Si Danzel.

"They were all over the place. May nag-leak ng photo na magkasama kayo ni Chloe kagabi." Si Dalton.

Shit.

"May balita na kay Chloe?" kunot-noong tanong ko habang hinuhubad ang coat. Parang hindi ako makahinga sa patong-patong kong suot.

"We've been trying to call her but she's not answering." Si Vaughn na noo'y ipinakitang tinatawagan nga si Chloe.

Dinampot ko ang aking cellphone at agad na pinindot ang numero ni Chloe. Cannot be reached na iyon.

BACK INTO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon