Chapter 2 ˏ ˋ ♡ ˎˊ ˗

23 3 0
                                        

Group Sharing


"Sinong next na facilitator natin, Kiwi?"


Napalingon ako kay Kuya River nang marinig ko ang boses niya bago tinuro ang isang halos ka-edad ko lang rin na lalaking nasa kabilang grupo pa para sa group sharing. Maaga kasi kaming natapos para sa isang art activity kaya naman may free time kami bago magsimula ang susunod na activity.


Hindi na kasalanan ng grupo namin na marami-raming magaling sa arts kaya naman wala akong halos naitulong sa poster at collage na pinagawa sa amin kanina. Isa nalang ako sa mga nag-volunteer na mag-present para kahit papaano ay may ambag ako.


"Umiiyak na sila sa kabilang group. Anong ginagawa nila?" Muli, tanong sa akin ni Kuya River.


Sinamaan ko siya ng tingin, "Kuya, hintayin nalang natin. Maglaro ka nalang muna ng mobile legends diyan." Sagot ko sa kanya habang binubuksan ang mang juan na hawak ko.


Sa 'di kalayuan, napansin ko ang masamang tingin sa akin ni Nialle kaya 'di ko naiwasan ang matawa saka inalok siya ng pagkain pero ngumuso lang siya bago pinakita ang pagkain na kakabukas lang rin niya.


After a few minutes, natapos na ang free time namin at tinawag na kami para sa next activity. Hindi pa yata nakaka-get over 'yung facilitator namin from the previous group dahil nagpupunas pa siya ng luha niya. He didn't care about us, seeing him in that state and just proceed to calm himself down for a bit.


Akina nudged me, "Cute 'no? Kapatid siya 'nung pinaka-una nating faci kanina. Mabait daw 'yan eh," she said.


Literal na napanganga ako dahil sa sinabi niyang 'yon, "Mamsi, nandito tayo para sa event at 'di para makapaghanap kayo ng boyfriend ko?" Isa pa, alam ko naman kung sino ang gusto ko. Pero 'di ko na sinabi kung ano 'yung nasa dulo.


"Good afternoon po sa lahat," the facilitator greeted us while holding a yellow pad paper and a pencil holder with pencils on it.


Binati namin siya pabalik saka siya nag-distribute ng mga papel at lapis sa amin. Pagkatapos 'non ay kumuha siya ng tape at itinuro sa amin kung ano ang gagawin. Idinikit namin sa mga likod namin ang isang piraso ng yellow pad paper gamit ang tape saka tumayo mula sa pagkakaupo.


"Kung meron ng papel ang lahat sa kanya-kanyang likod. Pwede na kayong mag-ikot para magsulat ng kahit na anong gusto niyong sabihin para sa taong 'yon. Huwag kayong mag-iiwan ng pangalan o kahit na anong palatandaan. Let the person wonder forever, joke lang. Ang goal natin dito ay to be honest and we can truly be honest if we can be anonymous, right? So, go." The facilitator explained what we're going to do.


Nagsimula na kaming maglakad, may iilang mga mas bata sa akin ang nagsulat sa papel na nasa likod ko kaya naman ilang beses akong napahinto. Hindi mahagilap ng mata ko si Kuya Gavienne kaya naman wala pa akong nasusulatan ni isa.


"Aren't you going to participate?"


Halos mapatalon ako nang marinig ang boses na 'yon. Ang masama pa, muntik akong makapagsabi ng masasamang words.

Footprints on the SidewalkWhere stories live. Discover now