Questionnaires Again, Gavienne?
Inis na inis na ako sa mga kagrupo ko habang nagt-type sa laptop ng para sa reporting namin sa Filipino. Hindi 'ko naman kasi alam na ngayon pala kami magre-report, idagdag mo pa na nagbabatuhan ang mga kaklase ko ng papel kaya mas lalo akong naiirita sa paligid.
"Hoy, Kiwi. I-seen mo raw message ni Kuya Gavienne. Respondent ka nila, diba?"
Gusto kong magmura. Oo nga't kanina pa tunog ng tunog ang phone 'ko, nagpapa-survey kasi ang mga senior ngayon. Hindi ko naman sila masisisi na nawala survey nila pero wait lang naman sana, diba? Pasalamat si Gavienne dahil type ko siya, biro lang. On the other note, jokes are half meant.
Tinanguan ko si Nehemiah, "Oo, wait lang. Tapusin ko lang 'tong ginagawa ko." Pagalit pa ang tono ng pagkakasabi ko 'non kaya inirapan ako ng kaibigan ko. Isa rin 'tong attitude na 'to eh.
Nasa completer class ako this year, hopefully ay makatawid ng senior high school ng 'di naghihikahos. Since Grade 7, kaklase ko na ang mga kasama ko sa klase. Hindi na kami nadadagdagan, nababawasan lang dahil nasa STE section kami. Hindi kami nababawasan dahil may bumabagsak kung hindi dahil sa mga kaklase kong nagm-migrate sa ibang bansa. Family matters ba ganoon, hind dahil sa grades.
When I finished our presentation, I saved it on the flash drive before opening Gavienne's messages. Indeed, kailangan na kailangan nga nila 'yon. Hindi naman ako nagtagal sa pagsasagot dahil digital ko na ise-send, gusto ko nga sanang sabihin na sa actual questionnaire ako magsagot kaya lang masiyadong halata naman na gusto ko siyang makita kaya 'di ko nalang sinuggest.
Nang mai-send ko ang mga sagot ko, nag-thank you siya pero nag-like nalang ako kahit pa gusto kong pahabain ang usapan. Tinago ko nalang ang cellphone sa bulsa ng mahaba kong palda bago lumipat ng upuan para makipagdaldalan. As usual, nag-uusap nanaman 'tong mga 'to tungkol sa mga bagong sumali sa org namin.
"Ang cute talaga ni Kuya River, 'no?" Kinikilig na tanong ni Nialle.
Napailing nalang ako, "Cute rin ng height pero hassler sa Math, right?" Natatawang sabi ko bago nginuso ang dati kong crush sa room na si Lake.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Nehemiah, "Ex ko 'yan, hoy." Pagpaparinig niya kaya mas humagalpak ako ng tawa bago nagkibi't balikat.
Isa lang naman ang gusto ko sa lalaki, matalino sa Math. Hindi ko rin ba alam, naa-amaze kasi ako sa galing nila lalo na't hindi ako ganoon kagaling sa field na 'yon.
"Naalala ko nanaman kaya 'yung amazing race 'nung science week, jusko." Pagpa-paalala ni Akina na kakarating lang na nakasingit na agad sa usapan.
I immediately glared at her, "It's not my fault that I ain't no mathematician. Me? No math," I chuckled while reminiscing an embarrassing moment.
"Gago, nag-English."
Napairap nalang ako sa kawalan, "Hindi ko naman kasi alam na kaya palang i-solve ang mga distance saka mga height ng building gamit ang tape measure, 'day. Hiyang-hiya akong naiwan doon, kasi naman sinali-sali pa ako sa team eh." Pagtatanggol ko sa sarili.
YOU ARE READING
Footprints on the Sidewalk
Teen FictionKirsten Wilms "Kiwi" Caberos was an ordinary girl who's always been straightforward, direct, and never afraid of rejection but then she met, Gavienne, the guy who left her heart with a big question mark. picture on book cover, retrieved from pexels...
