Ano!?”

“That Zero likes you before, gustong gusto ka niya, anong magagawa ko eh nahulog ako sa iyo, eh samantalang siya, ni malapitan ay hindi niya magawa. So I really feel sorry.” Sabi at nagkamot pa.

Siraulo ka pala eh.” Sabi ko.

“Yeah I know.” Natatawa niyang sagot sa akin.

Natawa na din ako pero unti unti din iyong nawala dahil sa naghintay na naman ako sa wala.

“Alfie, uwi na ako, gabi na din eh.” Sagot ko.

“May sasakyan ka?” He asked.

“Yeah.” Sagot ko.

“Okay, drive safely.” Sabi at tinapik pa ako sa balikat.

Nginitian ko naman na siya at pumunta sa sasakyan ko.

Pumasok na doon at nagmaneho na pauwi. Pagkarating ko ay nandoon si Harvey pinapakain ang mga alaga ko, bilis nilang lumaki grabe.

Nandiyan ka na pala ate, how was your date with kuya Zero?” He asked.

I smiled at him.

“Fun, ang saya.” Sabi ko kahit hindi naman totoo.

“You happy?”

“Oo naman.” Sabi ko at ipinakita sa kaniyang masaya talaga ako but deep inside me, I am not.

“Punta na ako do'n.” Sabi ko at itinuro sa kwarto.

Tumango naman na siya kaya naman pumaroon na ako.

Pagkapasok ko palang ng kwarto ko ay bumuhos na ang luha ko.

Napasandal ako sa may pinto ng kwarto ko at naupo sa sahig habang nakatakip sa muka ko ang aking nga palad at tahimik na umiyak.

Iniiwasan kong lumikha ng ingay kaya tahimik akong humahagulgol kahit ang sakit.

Sana nagkakamali ako Zero.

The last time we agreed to go out together, I saw him with someone else. Hindi ko lang siya tinanong tungkol doon..

Bago pa mamaga ang mata ko kaiiyak ay pumasok na ako ng banyo at tinanggal ang mga damit ko at nilublob ang sarili ko sa bath tub.

At dito ko itinuloy ang naudlot kong pag-iyak.

Pinilit kong aliwin ang sarili ko hanggang sa tunigil na nga ako sa pagluha ngunit naroon pa rin ang bigat na nararamdaman ko.

Nang matapos akong magshower ay lumabas na ako at naghanap na ng susuotin ko.

Pagkatapos ay kinuha ko ang suklay at naupo sa kama at sinuklay ang buhok ko habang nakatulala sa mga libro ko.

Mamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko na nilingon 'yon, si Harvey lang naman 'yan, siya lang naman kasama ko dito.

Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay para kunwari ay busy ako sa buhok ko.

I stopped when he snaked his arm around my waste.

“Mahal, sorry.” Bulong niya habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

Buntong hininga lang ang naisagot ko sa kaniya at ibinaba na ang aking suklay.

“Baby, I'm so sorry.” Ulit niya.

Pinapaasa ko na lang ako palagi, nakakapagod na.” Malumanay kong sabi sa kaniya, naramdaman kong hinigpitan niya ang yakap  sa akin.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن