“Kailangan ng mga Kampilan ang tulong ng bawat nilalang na kampi sa kalikasan para malabanan ang mga Kontaminados.” Tumingin sa kanya si Erin habang pinapanood ang sparring nina Aurora at ang trainer nito. “Kahit anong lahi ka pa. Aswang man, duwende, lambana, kapre o tikbalang, basta’t may hangaring ipagtanggol ang kalikasan, maaaring maging Kampilan.”

“Then why won’t you…”

“You don’t have to literally fight using swords or have powers,” Erin interrupted. “Now that Kontaminados are more powerful and can influence human, we need people like you out there. People like you and your grandmother. Kung may mga taong gumagawa ng mga bagay na makakasira sa kalikasan, ang mga katulad mo ang tutulong sa amin para maimpluwensyahan ang mga taong aalagaan ito.
Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, Olivia?”

“Naiintindihan ko na.” Isinumpa ni Olivia sa loob nyang gagawin ang lahat para makatulong. Maraming ideya at proyekto na agad ang pumasok sa isipan nya. She couldn’t wait to see and talk to her grandmother about them.

“Aside from that green- eyed woman, do you have any other psycho ex- girlfriends that I should know about?”

Tumaas ang kilay ni Erin. “Nagagawa mo talagang isingit ang mga ganyang tanong.”

“Dahil gusto kitang makilala. I don’t know much about you. It’s normal for me to ask questions. So, any crazy exes aside from her?”

Hindi ito sumagot. Nainis sya dahil nagkunwaring focused ito sa sparring nina Aurora.

“Erin…” She tried to get her attention.

“I had five…ten…I’m not sure,” Erin said softly not looking at her.

Hindi makapaniwalang napatitig si Olivia rito. Naghahamong tingin naman ang ibinato sa kanya ni Erin.

“I had a lot of friends when I was in college,” medyo defensive nitong sabi. “Most of them flings. Some are serious. I always fall for straight girls. During that time, coming out is very difficult. Kaya sa huli, iniwan din nila ako. Mas pinili nila kung anong tama.” Sadness and pain flashed briefly on her eyes.

Hearing that, Olivia was reminded that Erin might be Keithia’s daughter, possessing other-worldly beauty and immortality but still vulnerable.

“Did you like boys?” She asked and Erin shook her head. They were both sitting on the soft grass behind the house, beneath the Watermelon tree. “Kailan mo nalaman na babae ang gusto mo?”

“When I met Verona. She was my first love.”

Umusbong na naman ang selos sa kalooban ni Olivia. Naghahabol pa ba ang babaing iyon kay Erin? Nakakaselos ang nakaraan ng mga ito pero gusto pa rin nyang malaman. Mukhang wala ring balak ilihim ito ni Erin sa kanya.

First year na si Erin sa kolehiyo nang ginabi ito ng uwi dahil tinapos nito ang paggawa ng group project kasama ng mga kaklase. Tumanggi itong magpahatid sa manliligaw nito dahil nakukulitan na sa lalaki. Naglakad lang si Erin pauwi dahil walking distance lang ang tinitirhang boarding house.

Medyo madilim ang paligid at walang ibang tao sa kalsada. Tiyak na papagalitan sya ng landlady nya dahil lagpas na sya sa curfew. Mabait ito sa kanya kaya pagbubuksan pa rin sya. Iniisip nya ang aabutin nyang sermon nang harangin sya ng dalawang holdaper.

Parehong may dalang patalim ang mga ito. Agad na ibinigay ni Erin ang wallet nyang naglalaman lang naman ng kaunting halaga. Akala nito’y aalis na ang dalawa ngunit nang makita ang magandang mukha ni Erin, nag-iba ang balak ng mga ito.

Dumating si Verona bago pa man makaladkad ng dalawa si Erin. Mangha ang dalagang pinanood kung paano patumbahin at patulugin ng simpleng suntok ni Verona ang dalawang lalaki.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now