Inaantok at Nakatulog

4 0 0
                                    

Mula sa malayong lupain ng Antipolo, sa bayan na pinaglumaan na ng panahon, nakatira ang pamilya Tagapagligtas.

Si Sinadomeng, ang padre de pamilya ay palaging nakasuot ng barong. Daig pa ang meyor sa dami ng tagasuporta sa tsismis nitong dala. Si Dumalihayiray na kanyang may bahay ay may taglay na kahinaan sa pag-unawa ng mga bagay-bagay.

May tatlo silang anak. Si Fortyone, ang panganay na may mahabang bangs. Hindi gaanong nakikita ang kanyang mga mata dahil lagi itong nakayuko. Marami syang benda dahil palagi syang nadidisgrasya. Wala syang gustong gawin sa buhay kundi ang matulog.

Ang pangalawang anak nila ay si Dawn Angelica Honey Lady Irisha Amor. Sa haba ng pangalan, pinaikli na lang sa salitang Dahlia. Sya ay pilosopo at namana ang kahinaan sa pang-unawa ng kanyang ina.

Ang bunso ay si Bringmetolife na may alagang itim na pusa na tinatawag nyang Mandirigma. Kasama nya ito sa lahat ng sandali. Kilala din sya sa pagiging palaaway sa eskwela.


Isang nakakatamad na araw, nangunguha ng alatiris sila Dahlia at Bringmetolife sa isang bakanteng lote. Biglang tumakbo sa kanila si Mandirigma. Paglingon nila, nakita nila ang isang payat at matangkad na batang lalake na may mga kalmot sa mukha. Sa gulat, nalaglag sa puno si Dahlia. Tutulungan sana si Dahlia ng batang lalake pero humarang si Mandirigma.

Dahlia: Hindi kami namimigay ng alatiris.

Bringmetolife: Naghahanap ka ba ng away?

Jake: (napaatras) Hindi! Hindi! Ako nga pala si Jake.

Dahlia: Walang nagtatanong ng pangalan mo.

Jake: (napalingon kay Dahlia) Ang ganda nyo naman po.

Nabigla si Dahlia at napanganga. Ngumiti naman si Jake.

Bringmetolife: Sinungaling.

Jake: Hindi ako nagsisinungaling! Bawal yun!

Napalingon ulit si Jake kay Dahlia na nakatitig sa kanya.

Jake: Grabeh naman po kayo kung makatitig sa'ken.

Dahlia: (namumula, kumain ng alatiris) G-gusto mo ng...alatiris?

Jake: Salamat po. Kakakain ko lang po ng kamote.

Dahlia: K-kamote? Ki-kinakain pala 'yun?

Jake: Oo naman po. Hindi ba yun kinakain dito?

Dahlia: Alam ko ugat lang yun.

Lumapit si Bringmetolife kay Jake. Nakapamewang.

Bringmetolife: Bakit ka ba nandito?

Jake: Di ko mahanap yung Sta. Topacia. Pabalik-balik na ako dito.

Bringmetolife: Naliligaw ka?

Jake: Oo. Alam mo ba kung sa'n yun?

Dahlia: (namumula pa rin) I-ilang taon ka na ba? Ba't wala kang kasama?

Jake: Fourteen.

Tiningnan sya ni Bringmetolife mula ulo hanggang paa. Nagsalubong ang kilay nya.

Bringmetolife: Fourteen? Yung totoo?!

Jake: Twelve.

Nahihiya syang tumingin kay Dahlia na namumula at nakangiti sa kanya habang kumakain ng alatiris.

Bringmetolife: Pang elementary yung uniform mo noh!

Jake: Oo na.

Bringmetolife: Yung Sta. Topacia. Nakikita mo yung daan na yun?

The Peculiarsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن