Saglit siyang tahimik na nakatitig sa nakatungong si Danny bago unti unting namutawi ang halakhak mula sa kanyang bibig. Naging malakas ang pagtawa na iyon na tumagal ng ilang segundo.


Napailing siya sa kawalan. "So typical of him to say those things... Don't worry, I don't really intend to hide my identity from him. I only hide my plans, so that he'll see a lot of surprise attacks. I will only show myself to him once I saw their family crumble."


"What do you need me to do?" Tanong ni Danny sa kanya.


Bumaling siya ng tingin rito. "We will do our next plan. Attack them again, and this time," mariin niyang tinuro ito. "Do it right. Hire some people to help you do it."


Maiging tumango si Danny na tila sinasabing hindi siya bibiguin.


"Noted, Aed."


---


"Sino 'yan?" Nang-uusisang tanong ni Ela.


"Si Graziella Canazza. Nakilala ko sa Italy four years ago. Nakasama ko sa isa sa mga malalaking hospital sa Rome kung saan nag-assist din ako."


Tumango siya. "Mukhang flirt ah?" Aniya habang pinagmamasdan si Grazie na masayang nakikipag-usap kina direk at sa ibang doktor na dumating dito sa department namin.


Sinapok ko siya ng mahina. "Gaga! Mabait 'yan. Napakahinhin."


"Kilala ni Clade?"


Kumunot ang noo ko sa kanya. "Oo. I've introduced them with each other once. Why?"


Nagkibit-balikat siya. "Wala. Just be careful. Trust me, I know those things." 


Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag kang judgmental, Michaela. Kilalanin mo muna yung tao bago mo sabihin sakin ang mga 'yan."


"Whatever, sis." Aniya at naglakad palapit sa mga nag-uusap.


Napailing na lamang ako. Lumapit din ako sa mga nag-uusap at nakinig sa kanila.


"Dr. Canazza is a great doctor. She spent years in a big hospital in Rome where she had set a good record in the department of surgery as well." Nagmamalaking tugon ni direk.


"Do you know her personally, Director?" Nakangiting tanong ni Dr. Silverio.


Masaya itong tumango. "Yes. She's the daughter of a former colleague. I was friends with her mom before, but she died early. It was surprising to know that she became a doctor. Last time I saw her, she was still a little girl."


Napatingin ako kay Grazie na mahinhing nakangiti at bahagyang nakatungo. Napangiti ako sa aking sarili. She is still the shy type, just like when we were in Italy.

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now