“Iyon ang nararapat kong gawin para hindi ka na nya saktan.”

Parang may kumurot sa puso ni Olivia. “But I chose to stay beside you.” Umagos na ang mga luha nya. Gusto sana nyang bawiin iyon pero nasabi na nya. Hindi ba’t kasasabi lang nya sa babaing kalaban na hindi kasalanan ni Erin kung hindi sya nito mahal? “I’m sorry. Wala akong karapatan.” Namayani ang katahimikan. “Naiintindihan kong bago lang tayong magkakilala…”

“You’re important to me, Olivia,” putol nito sa sinasabi nya, “more than you know. That’s why I have to do it.”

“Kung nag-aalala ka dahil sa mga Kontaminados na maaaring manakit sa akin, I can defend myself. You can train me. Pwede akong maging Kampilan. We can fight side by side.” Olivia got excited by that idea but her shoulders sagged because Erin remained quiet and thoughtful. “Don’t you even love me?”

Bumuntong- hininga ito pero hindi pa rin kumibo. Humigpit ang hawak nito sa railing na tila nagpipigil.

“Hindi mo ba ako pwedeng ipaglaban?” Hindi marahil sya nito ganoon kamahal. O hindi sing-lalim ng nararamdaman nya para rito.

Hindi rin nya maintindihan kung bakit ganito ang damdamin nya para kay Erin. Posible palang magmahal nang matindi sa isang taong saglit pa lamang nya nakikilala.

“You’re young, Olivia.” Sa wakas nagsalita ito.

“I’m younger than you are, but I’m definitely not a child. Kaya kong magdesisyon para sa sarili ko,” giit nya. “Dahil ba isa lang akong mortal?” Ayaw man nyang isipin ang sinabi ng babaing may berde ang mata pero iyon ang sumagi sa utak nya. “Na hindi ako karapat- dapat para sayo?”

“That’s not it, Olivia.” Nagawa rin sya nitong tignan. Kita sa mga mata nitong nahihirapan ito. “I know you’re wise beyond your years. Kahit noong bata ka pa…” Tumigil ito.

Bata pa sya? Nalito si Olivia.

“Ang ibig kong sabihin, bata ka pa, Olivia. You still have a future ahead of you. I’m sure, you have dreams. You also have a life free from chaos.” Hinawakan nito ang magkabilang balikat nya saka sya tinitigan sa mga mata. “You don’t have to carry the burden about the Kontaminados. You can live a normal life. Being an advocate of nature is enough. Educating people about taking care of the environment is already a big help. You don’t have to literally yield a sword.”

“But I want to be with you.” Naiintindihan nya ang sinasabi ni Erin. “Akala mo ba hindi ko alam kung anong kakaharapin ko kung pinili kong manatili sa tabi mo? Handa ako, Erin. Basta alam kong nasa tabi kita, kakayanin ko.”

“At hindi ko kakayanin kapag may nangyari sayo. Hindi mo alam ang sinasabi mo, Liv. It may sound like an exciting adventure to you now, but you’ll get tired of it. Hindi mo alam ang pinapasok mo.”

“Erin, don’t insult my intelligence. Stop treating me like a child. I’m not a petty young woman who see this as an adventure,” inis nyang sabi rito. “I know what I’m doing. I know what I want. And that’s you. Please consider that.” Mukhang hindi pa rin ito kumbinsido. “M-Mahal mo ba ako?”

“Ang ginawang pag-atake sayo ni Aurora ay kagagawan ni Verona. Kampon nya si Kitara, na syang inatasan ni Verona para saktan ka. Hindi ka nya titigilan. Kaya mo bang ipagpalit ang mapayapang buhay sa isang magulong mundo?” Erin’s light brown eyes reminded her of the Minokawa’s. Piercing and searching her very soul.

“Ang alam ko lang, hindi ako magiging masaya sa mundong wala ka. Sa mga nasaksihan at naranasan ko mula nang makilala ka, I already have an idea what’s in store for me.” Hinawakan nya ang magkabilang kamay ni Erin. “Kahit pa burahin mo ang ala-ala ko tungkol sayo, hindi ako mananahimik dahil may hahanapin at hahanapin ako. At ikaw yun.”

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now