Dali-dali akong lumingon nang marinig na naman ang pamilyar na tunog, The rasping gurgles of people dying, animals screeching before slaughter, noises with no clear point of origin, umiling-iling ako habang tinatakpan ang aking tenga.

Nakikiusap na tumigil sila.

Silang nakapalibot sa akin, anino, maraming anino ang papalapit sa akin. May sinasabi sila, paulit-ulit. Halo-halo ang letra sa utak ko pero alam ko ang ibig nilang sabihin,

Kailangan kong mamatay at sasama ako sa kanila.

Umatras ako, kasabay noon ang pagpikit ko ng mariin sa aking mga mata, naglakas ako ng loob upang kumaripas ng takbo. Nahagip ng tingin ko ang orasan, hindi ito gumagalaw. Kanina pa simula nung gumising ako, nagbuga ako ng hangin at kahit na nararamdaman ang pagluha ay pinilit kong kumalma.

I need to wake up.

Napadilat ako nang tumama sa akin ang sinag ng araw, maririnig na rin ang pagtilaok ng manok. Ang maingay na sasakyan at ang alarm clock kong kanina pa tumutunog, ala-saìs na oras para maghanda ako sa pagpasok sa eskwela.

Nilibot ko ang paningin ko, panaginip sa isa pang panaginip. This is the first time that I've encountered such a nightmare, and it felt like I died twice. 

I let out a slow controlled breath and attempted to loosen my body, agaran akong tumayo upang silipin ang bintana at parang isang malaking tinik ang nabunot sa aking dibdib nang makitang normal ang kulay ng kalangitan.

Malinaw na malinaw sa akin ang panaginip ko, agad kong kinuha sa ilalim ng kama ang journal ko at inilahad lahat ng nangyari. Kakaiba sa pakiramdam para bang naranasan ko talaga. 

I survived a heart-pounding nightmare. The sight of them thrilled and scared me. I shook my head as I closed my notebook and started to prepare, naligo muna ako pakiramdam ko ang lagkit ng dugo kanina ay nakakapit pa rin sa balat ko, nakakapanindig balahibo.

I started to apply my dark eyeshadow, pinaresan ko ito ng makapal na eyeliner nang matapos ay tinitigan kong mabuti ang sarili ko mula sa salamin. I look pale that's why I open my black lipstick. This choice of color is a good match for my skin tone.

Piercing, tattoo, and black nail polish.

Some will say that I am a rebel, that I am part of the cult or I am a Satan child. Dark aesthetics does not equate with evil. but people do just understand according to their level of perception and I don't want to waste my time explaining myself. I don't need them anyway.

Sinuot ko ang corset ko sa tagal ko nang sinusuot ito ay hindi na ako nahirapan, agad kong kinuha ang stripes long sleeve na nakasampay. Pagkatapos ko masuot iyon ay hindi pa ako tumigil dahil pinaresan ko pa ito ng kulay itim na crop top. Agad kong sinandal ang katawan ko sa lababo para masuot ang medyas kong lagpas tuhod.

I quickly accompanied it with my ankle-high boots. Pagkalabas ko ng Cr ay agad akong nagtungo sa aking bedside table upang ikabit ang aking mga accessories tulad ng metal silver belt, ilang singising at choker.

The good thing is that the university I went to does not suppress students'creativity, but of course there is always a limitation. We should not wear an offensive tagline within our clothes, on the other hand, they believe a student should be made more focused on their curriculum than a damn dress code.

Bago lumabas ng kwarto ay agad kong kinuha ang kutsilyo para itago ito sa loob ng aking mini skirt. Sinukbit ko na rin ang bag ko at dahan-dahan na bumaba ng hagdan. Wala akong kasama sa bahay dahil nag out-of-town sila, sanay naman na akong mag-isa kaya laking gulat ko nang makita ko silang lahat na kumpleto sa lamesa.

Si Georgi na apat na taong gulang kong kapatid na humihikab pa, si mama na naghahanda ng lamesa at si papa na nagbabasa ng dyaryo.

Nakakapanibago.

Box KeeperDonde viven las historias. Descúbrelo ahora