1 : Nightmare song

254 34 186
                                    

I lay on my bed, restless and alone yet there's one thing I'm sure of

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I lay on my bed, restless and alone yet there's one thing I'm sure of. Someone is staring at me, napapikit ako nang may dumaan na hangin eksakto sa mukha ko kasunod noon ang isang kakaibang tunog, it has a strange melody. A rhythm that made me think of dying, dire-diretso lamang iyon sa aking tenga. 

Nakakarindi at nakakapangilabot.

Dahan-dahan akong tumayo, pakiramdam ko sobrang gaan ng aking katawan. Kumapit ako sa pinakamalapit na bintana at kaagad din akong napaatras nang makita ang ulap.

There is a large triangle in the bloody sky, lumalakas din ang kakaibang tunog. Nagmamadali akong pumunta sa pinto at kahit na anong pihit ko sa doorknob ay hindi ko ito mabuksan, I covered my ears when I suddenly heard a loud scream, it feels like it was the scream of a dying soul.

Parang pinaparusahan, parang paulit-ulit na pinapatay mas lalong kumabog ang dibdib ko nang mapagtantong—

Mag-isa lamang ako...

"Sino kayo?" tila nagmistulang bulong lamang sa hangin ang ginawa ko, napatingin ako sa kamay ko nang maramdaman na may pumatak dito.

Niliitan ko ang mga mata ko, kahit na madilim ay siguradong sigurado ako kung ano itong pulang likido na patuloy pumapatak sa katawan ko.

Hindi ko maiwasan mapatili nang makita na paunti-unti ay napupuno ng dugo ang sahig. Maya-maya lang ay umabot ito sa aking paa, ramdam ko ang lapot at lamig ng dugo.

Awtomatikong sinundan ng mga mata ko ang pinagmumulan nito. Napailing-iling ako nang umabot na sa tuhod ko ang dugo, hindi ko pa rin mahanap kung saan ito nanggagaling, mabilisan akong umakyat sa kama, Tears streamed down in my face as those screams echoed in my mind.

Blood is gushing from my feet, dahil dito ay nawalan ako ng balanse. I heaved heavily, as blood pooled inside my mouth.

I struggled but I couldn't rise.

Nalulunod ako sa dugo and I can't do anything about it because the monster under my bed is still holding my feet. Tightly, and when I'm about to give up,

My eyes suddenly open, hinawakan ko ang dibdib ko at agad huminga ng malalim. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto, everything is in the same place.

Isang panaginip...

Kahit na nakadilat ay parang naglalakbay pa rin ang diwa ko, ramdam ko ang pawis sa buo kong katawan at ramdam ko rin ang bilis ng aking paghinga. The blurred scenes of gore and screams of dying from my dreams are slowly fading.

Malinaw ang pandinig ko ramdam ko rin ang sakit sa dibdib ko, parang totoong nalunod ako kanina.

Pinilit kong tumayo, nilibot ko ang paningin ko at nang mahagip ng mga mata ko ang bintana ay doon ko napansin na pula pa rin ang kalangitan. 

My door rattled as the wind sent a menacing whip. Anxiously, I grabbed the knife hidden beneath my pillow. Hinawakan ko ito nang mahigpit habang dahan-dahang lumabas ng kwarto. Natatakot akong maulit ang nangyari sa panaginip ko.

Box KeeperWhere stories live. Discover now