"Saan ka nanggaling?" tanong pa din niya. Hindi na siya nakuntento at mas lalo na siyang lumapit sa akin. Naramdaman ko ang hawak niya sa magkabilang siko ko.

"I'm hungry. I make utang kay Alice para makabili ng cotton candy" marahang sagot ko, nanatili pa ding nasa baba ang tingin ko.

"Tama na" marahang suway niya sa pagkurot ko sa likod ng aking palad.

Kinuha niya ang kaliwa kong kamay na namumula na ngayon. Marahan ang pagkakahawak niya don bago niya itinaas at dinala sa palapit sa kanyang labi. Nanlabo ang aking paningin ng maramdaman kong hinalikan niya iyon.

"Pinagalala mo nanaman ako" sabi niya habang makailang beses na hinalikan ang likod ng aking palad.

"I'm sorry" sambit ko.

Pagkatapos kong sabihin iyon at kaagad niyang binitawan ang kamay ko at hinila ako para yakapin. Wala siyang sinabi, mahigpit niya lang akong niyakap. Hindi na ako nakapagpigil pa, ginantihan ko din ang yakap niya sa akin. Mas lalong bumuhos ang aking mga luha.

Matapos iyon ay humiwalay siya sa akin. Marahan niyang pinunasan ang luhang patuloy na tumutulo sa aking mga mata. Nang pareho na kaming kumalma ay hinila niya ako palapit sa nagaalalang si Yaya Esme na kanina pa kami pinapanuod.

"Saan ka ba nanggaling, Senyorita?"

"I'm hungry, kaya I go sana sa canteen to buy foods. Pero wala naman akong magustuhan kaya lumabas ako" pagamin ko. Kahit pagalitan pa ako, I need to tell the truth.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Eroz sa aking kamay. Iginaya niya ako paupo sa may bench. I thought aalis nanaman siya but tumabi siya sa akin. Hindi niya binitawan ang kamay ko. Sa tingin niya siguro sa oras na bitawan niya iyon ay kukurutin ko nanaman ang likod ng palad ko.

"Anong gusto mong kainin? Magpapabili tayo" marahang tanong niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya. Bigla akong nagtaka sa pagiging may pakialam niya sa akin. Parang kanina lang, he's cold towards me.

"No need na, I have my cotton candy naman. And I don't want to make abala" diretsahang sabi ko at mabilis na nagiwas ng tingin.

"Senyorita, wag mong isipin yan" suway ni Yaya Esme sa akin. Pero marahan pa din akong umiling.

Naramdaman ko ang paglipat ng kamay ni Eroz sa aking bewang. Mas lalo niya akong inilapit papunta sa kanya. Nang nagtagumpay ay naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

"Anong gusto mong kainin? Kahit ano..." pangungumbinsi niya sa akin.

Gusto kong sumagot. Pero may kung anong nakabara sa aking lalamunan. I can't say what I really want. Something is holding me back.

"Anything" tipid na sagot ko na lang.

Naramdaman ko ang pagtango ni Eroz. Nang humiwalay siya sa akin ay akmang may tatawagan siya sa kanyang phone ng pigilan ko siya.

"Baka mapagod sila, wag na lang" marahang sabi ko kahit kanina ko pa gustong maiyak sa harapan nila.

Nanatili ang tingin ni Eroz sa akin, bahagya pang nakakunot ang kanyang noo.

"Wag na, kung mapapagod lang" sabi ko sabay iwas ng tingin. After that, hindi na ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan niya.

Tumayo siya para gumawa ng tawag. Narinig ko pang madami siyang iniutos na bilhin. Hinayaan ko na lang. I don't want to  make argue pa with foods.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now