Chapter 73: Into the End

Start from the beginning
                                    

Hinawakan niya ang power switch na ito at saka nilagyan ng kuryenteng makaka-pagtrigger nito sa system circuit system.

"Snipers!" Mula sa itaas ng estasyon nanggaling ang mabilis na putok ng bala ng snipers. Pinaputok ito sa ulo ng Director.

Nagdulot ito ng pagkawala ng balanse nito, nagkaroon ng abnormal na ingay sa kaniyang tainga at nasira ang maliit na poryento ng kaniyang noo.

Bumagsak ang matandang ito at sumandaling pinakinggan ng lahat ang katahimikang pumagitna sa tensyon.

"Nagkamali kayo sa paggamit noon." Biglaang turo nito sa sniper na nasa itaas at tinanggal ang bala sa kaniyang noo habang tumatayo.

Nagkaroon ng deformation ang noo ng director ng tamaan ito ng bala ng sniper.

Sa isang kumpas lamang sa ere nito nagkapira-piraso ang sniper na ginamit ng armadong lalaki sa taas at isinaksak ito sa iba't ibang bahagi ng katawan. Nahulog ito mula sa taas ng salamin at humampas ang walang buhay nitong katawan sa lapag.

"E-Gun!" Pagpapalit muli ng commander. Bago pa man hawakan nila ang mga ito. Lumutang nalang ito sabay-sabay sa ere at pumunta sa direksyon ng Director. Itinutok ito ng Director sa mga gumamit nito at saka pinutok sabay-sabay.

Ginamit ni Ms. Nikka ang kaniyang abilidad upang depensahan ang troops mula sa mga bala. Itinigil panandali ang pamamaril ng Director at binasag ng walang kahirap-hirap ang barrier na kakayanan ni Ms. Nikka.

Sa malakas na pwersa, na itinapon ng Director kay Ms. Nikka, humampas ang likuran ng kaawa-awang babaeng ito sa tren na kaagad nitong ininda.

Pumutok muli ang mga baril at nagpakita naman ng kakayahan si Sr. Vincent. His ability is magnetism. He can manipulate those E-bullets because it was made of metal.

Ini-hold muna ito sa ere ni Sr. Vincent. Nagkakadikit-dikit na ang mga kuryenteng dumadaloy sa metal rods ng mga bala. Nagpapaikot-ikot lang ang mga ito sa ere.

Natapos ni Sr. Daryl ang gawain niya sa Power switch at umandar na ng tuluyan ang tren.

Pumasok sa gitnang ng tensyon si Sr Daryl at hinatak lang na parang tela nito ang mga kuryente na dumadaloy sa mga E-bullets na nasa gitna ng ere at parang kumot naman niyang pinagpag ito na kumalat sa direksyon ng Director.

Tumagos na parang mga bala ang mabibilis, maiinit, at mga lumalatay na kuryenteng iyon sa Director.

"Full Back Off!" utos ng General Commander na sumakay na sa huling wagon.

"Ma'ams! Srs! it's time." pero mabagal pa ang takbo ng tren, maabutan sila kung sasakay ang lahat. Kailangan magkaroon ng pagsasakripisyo.

Naiwan ang lima upang labanan ang Director.

"Get out of the way..." utos ng Director sa limang nakatatandang ito.

"Hindi. Hindi namin hahayaang galawin mo sila. Ano pa ba ang habol mo sa mga batang iyon? May kapangyarihan ka na?" Matapang na ani ni Ms. Clarisse.

"Kailangan ko pa ang kanilang mga genes."

"Hindi ba sapat ang sarili mong genes upang pag-eksperimentuhan?" Ani naman ni Sr. Vincent.

"Hindi. Kailangan ang genes nila. Kailangan kong pag-aralan muli ito (nagkaroon ng abnormal na kamay ang Director kung kaya't gustong makita ng Director ang pagkakamaling iyon.) Kaya umalis kayo sa daraanan ko kundi magkakasubukan tayo."

"Hindi. Hindi kami natatakot sa iyo! Manggagamit" Matapang na ani ni Ms. Raghel.

"Ohw, you already knew! Smart women but too slow. Go on! Show me what you've got!" Gustong malaman ng Director kung saan aabot ang labang ito. Napapangiti nalang ito sa sarili habang tinitignan at pinagmamasdan ang lima.

ALPHAWhere stories live. Discover now