“24/7? Makakatulog pa ba ako niyan. Hindi naman kailangan sigurong i-babysit yun.” Sabi ko.

Bakit pa kasi ako ang napili? kaya pala biglang pumanget ang pakiramdam ko dahil magiging isang bodyguard lang ako. Oo! Bodyguard! Hindi nga ako nagSECURITY GUARD pero ginawa naman akong BODYGUARD. Sana lang talaga hindi ito sakit ng ulo at baka ako pa ang makapatay dun.

            “Makakatulog ka pa rin naman pero gusto ko maging alerto ka pa rin.”

            “Sige po boss, pwede na po ba akong umalis?”

            “Sige, pero bumalik ka mamayang alas otso dahil pupunta dito si Mr. Cojuangco para makilala ka at magdala ka na rin ng gamit mo dahil magsisimula ka na ngayon.” Wow! Agad-agad?

            “Okay po boss.” Sagot ko na lang wala na rin naman akong magagawa.

Napakademanding naman ata ng kliyente ni boss at magsisimula agad di ba pwedeng ipagpabukas. Umuwi na ako agad sa apartment ko at kumain muna bago ako nag-empake. Mamimiss ko ata tong maliit kong apartment.

Pagkatapos kong mag-empake ay natulog muna ako para makapagrelax. Pagkamulat ko ay sinipat ko agad ang orasan ko at mag-aalasais e-medya na pala kaya hinanda ko na ang gamit ko at nagready na para umalis papauntang SAF.

Nagpaalam na rin ako sa may-ari na aalis na muna ako at pwede ng pa rentahan ito, pwede naman siguro akong humanap ng ibang apartment kung matapos natong pagbabodyguard ko.

Pagdating ko ay diretso na agad ako sa office ni boss at nadatnan itong may kausap na may edad ng lalake kaya tumikhim ako para malaman ni boss na dumating na ko.

            “Nandito na pala si Eliza, Mr. Cojuangco siya nga pala ang magiging bodyguard ng anak mo.” Sabi ni boss at tumingin agad si Mr. Cojuangco sakin. Cojuangco? Saan ko nga ba narinig yan.

            “Good Evening po Sir.” Pagbati ko.

            “Siya pala, magaling ba ito? Sigurado ka ba sakanya? Akala ko’y lalake.” Agad na pasaring nito. Aba’t minamaliit pa ata ako nito. Tsk

            “Naman Mr. Cojuangco, siya ang pinakamagaling na agent namin dito at makakaasa kayong kayang-kaya niyang bantayan ang anak niyo.” Sagot ni boss na tumingin pa sakin.

            “Okay, sige aasahan ko yan.” at tumingin sa akin na para bang sinusuri ako kung totoo ba ang sinasabi ni boss.

            “Dala mo na ba ang mga gamit mo hija?” tanong ni Mr. Cojuangco sa akin.

            “Opo, Sir.”

            “Sige Alex, aalis na kami ihahatid ko muna siya sa bahay namin at kailangan ko pang hanapin ang anak ko.” Paalam nito kay boss.

            “Sir, pwede po bang sumunod na lang ako sa inyo kasi naka motor po ako.”

            “Okay, sige.”

Nagpaalam na kami kay boss at umalis na, sumunod na lang din ako sa kanilang sasakyan medyo malayo-layo din pala ang sakanila hanggang sa pumasok kami sa isang subdibisyon na puro malalaki ang mga bahay.

Huminto kami sa pinakamalaking bahay at nalula ako sa laki ng bahay nila parang mansyon na ata ito sa laki. Inilibot ko ang panigin ko at nakita akong may malaking garden ito na may fountain sa gitna at may malaking swimming pool din ito.

Pagtingin ko sa pinto nila ay may naghihintay agad na apat na katulong sa may pintuan nila at binati agad ang may-ari ng bahay.

Pagpasok namin sa bahay este mansyon ay mas nakakalula pala sa loob dahil sa luwag nito na ang tema ay may pagkamoderno na may mga antique din na mga gamit. May malaking chandelier din sa gitna ng bahay na mas nagpaganda lalo sa bahay. Ang yaman pala talaga ni Mr. Cojuangco.

            “Hija, maiwan muna kita dito at hahanapin ko lang anak ko.” Biglang sabi ni Mr. Cojuangco na inayos muna ang suot-suot na salamin nito.

            “Okay po Sir, L na lang pala ang itawag niyo sakin Sir.” Mas komportable kasi talaga ako sa “L” kaysa “Eliza” para kasing napakababae ng pangalan na ito.

            “Sige L, ipapakilala ko na lang ang anak ko sayo pagdating namin.” Tumango na lang ako at naupo sa may sala nila.

Umalis na ito at naiwan ako sa bahay nila. Nilapitan ako ng kasambahay nila at binigyan ng pagkain. Sa may harden na lang ako naghintay kung sakaling dumating na sina Mr. Cojuangco may na kita kasi akong isang bench doon malapit sa fountain.

My Love My Agent ^^^ON-GOING^^^Where stories live. Discover now