"Isa pang galaw niyo sa kaibigan ko, ilulublob ko kayo sa inidoro!!!" Sigaw ni ruby habang iabot pa rin ng paa niya yung babae pero nilalayo ko lang siya para hindi makalapit pa

"Ruby tama na..." saad ko

"Ok ok... kakalma na ako" sabi ni ruby at nagtaas pa ng kamay na parang sumusuko kaya binitawan ko naman siya, pero nagulat ako nung bigla niyang kunuha yung hose at binasa yung dalawa.

"Ahhh!!!.... goshh!!"

"Bitawan mo ya!!!" Siga ng dalawa pero nangisi ngisi nalang si ruby habang binabasa ang dalawa at ako naman ay dali daling pinatay ang gripo para mahinto ang pagagos ng tubig sa hose na hawak ni ruby.

"Ano ba elise bakit mo pinatay?" Inis na tanong niya

"Tama na ruby hayaan mo na sila"

"Huh! Mga mangkukulam kayo! Hindi pa tayo tapos" sigaw ng babaeng nambuho sa akin ng tubig saka sila umalis.

"Mga tuko!" Pahabol na sigaw ni ruby

"Ruby naman kase" saad ko

"Dapat lang yun sakanila ano! Mga palaka!" Inis na wika niya

"Haysss hayaan mo nalang" wika ko saka hinawakan siya sa balikat

"Sabihin ko lang sa akin kapag inaway ka ulit nila, ako talaga reresbak dun" ngisi niyang wika, mahina naman akong napatawa saka tumango tango

"Oh sige na magpalit ka muna ng uniform mo basang basa ka ohh mga hinayupak talagang mga tuko na yun" napatawa naman ako

"Oh sige papalit lang ako" paalam ko

"Sige ako nalang muna mag didilig dito" saad niya

"Sige" nginitian ko lang siya bago ako naglakad paalis sa garden

Nakayuko lang ako habang naglalakad papuntang hagdan pero bigla naman akong nauntog sa matigas na bagay tumingala naman ako at nakita ko si sir na naka kunot ang noo

"S-sir" ngumiti ako ng mapait sakaniya, tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa

"Bakit basang basa ka?" Takang tanong niya

"A-ammm" takte naman! Baka pagsinabi ko yung totoo yung dalawang yun naman ang maisisesante, napaka over reacting kase nitong boss ko pagdating sa akin hindi naman sa pilengera ha pero napapansin ko kase yun, kahit ganun naman tung dalawang yun sa akin ayaw ko pa rin silang matanggal sa trabaho dahil kailangan din nila yun.

"A-ahh sir, n-naglilinis kase ako sa s-swimming pool tama naglilinis ako doon, tapos namali ako ng hakbang at nawalan ako ng balanse kaya nahulog ako sa swimming pool ayun po kaya ako nabasa" ngiti kong sabi sakaniya at nagkamot pa ako ng batok

"Bakit ka naman kase naglilinis doon?, hindi na parte ng trabaho mo yun! Sa akin ka lang nagtatrabaho diba? Pabayaan mo ang gawing yun sa ibang katulong!" Singhal niya sa akin

"Pero sir-"

"No more buts, change your cloth baka magkasakit kapa niyan" kunot noo niyang wika sa akin kaya dali dali naman ako umakyat sa taas para magpalit, haysss buti at naniwala naman siya hihihihi...

CYRUS'S POV

Hindi ko na siya matagalang nakikitang ganun ang itsura, basang basa siya at bakat yung ano sa damit niya.... yahhh!!! Damn mo cy! Maglalakad na sana ako ng makita ko si ruby na nakakunot ang noo

"Ruby" tawag ko sakaniya

"Oh sir, bakit po?"

"Hmm... bakit nga pala basang basa si elise" hindi sa nagdududa ko kay elise pero kase pansin kong may ibang dahilan kung bakit nabasa siya

"Ahh ayun po ba sir... haha" wika niya at mas lalo akong nagtaka nung tumawa siya ng nakangisi

"Bakit?" Takang tanong ko

"Nako sir kapag naaalala ko yun, nagkukuyom agad yung kamao ko at nanginginig ako sa galit" wika niya na may pa action pa

"So bakit nga basang basa si elise?"

"Dahil doon sa dalawang katulong" sagot niya, dalawang katulong? Sinaktan ba nila si elise?!

"Sila po ang may gawa nun?" Wika niyang pa poker face

"Sinong mga katulong yun?!" Wika ko, papakis kis na ang ngipin ko sa galit

"Sila rica at fhey p-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya ng mabilis akong naglakad kung nasaan ang mga katulong nagtatrabaho ngayon

Pumunta ako sa likod ng bahay at nakita ko ang mga katulong doon

"Sino sainyo si RICA at FHEY!!!" Sagaw ko habang nakapamulsa ako, natigilan naman sila sa sigaw ko.

"A-ako po si rica sir" taas ng kamay nung babaeng nakatirintas ang buhok

"Ako po si fhey sir" ngiting sabi naman nung nakalugay na buhok, lumapit naman silang dalawa sa akin

"Who told you to hurt my personal maid?!!!" Singhal ko sakanila

"S-sir masyado kase siyang pabida sainyo-"

"You don't care about that anymore!!! Wala kayong karapatang saktan siya! From now on you two are fired!!! I don't want to see your face here!!!" Wika ko habang dinuduro ang mga mukha nila, sabay tumalikod na ako... now one can hurt my baby baka makapatay ako.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDWhere stories live. Discover now