Welcome to my house

19.5K 448 5
                                    

CHAPTER TWO

Busy kaming lahat sa kung anong klaseng video ang gagawin naming, sabi kasi ni tita. Oo tita na ang tawag ko sa mama ni Jaja, well di lang naman ako kasi pati sila rin. Alam na rin ng lahat na anak si Jaja ng may ari ng school dahil sa pag announce ni tita nun! Lahat naman sila eh gulat na gulat samantalang kami? Ayun nakangiti lang.

"Video? Kung yun na lang kaya ang ilagay natin na iplay sa graduation natin habang umaakyat tayo" suggest samin ni Jusper

"Abah naman Jusper himala gumagana ang utak mo ngayon!" pang aasar ni Jaja

"Ano pang silbi at naging Journalist vice president ako kung di ko naman gagamitin? Ikaw nga ang gumamit ng utak mo" sabat naman ni Jusper

Ayan nanaman po silang dalawa, lagi na lang silang dalawa nagbabangayan sumasakit na ulo ko kakapigil sa kanilang dalawa. Hayaan ko na nga! Tama naman si Jusper magandang idea yun, kaso nakakapagod din kasi magvideo ng magvideo ang dami kaya naming gagraduate ngayon!

"HOY MIYU WALA KA BANG BALAK SAWAYIN KAMI?" sabay nilang sabi na ikinataas ng kilay ko

"Gustong gusto nyo talaga na sinasaway ko kayo noh? Sakit nyo sa ulo! Manahimik na muna kayo" sabi ko at natawa naman sila Maya

"Ayan kasi" sabi naman ni Chiaka at natawa na lahat.

Busy kaming lahat sa pagpapalitan ng suggestion. Sa dulo napagkasunduan naman naming na yung suggestion ni Jusper ang gagamitin naming pero sya din ang magvivideo sa lahat ng graduating, patago! We want them to surprise at there epic face.

"So ayun na yun ah!" pagkukumpirma ni Vinle samin at nag nod naman kami

"Ang daya daya nyo naman eh ako na nga ang nagsuggest ako pa ang gagawa nun, pano kung mapagkamalan akong stalker nila? T___T" pagrereklamo ni Jusper

"Hayaan mo na Jusper bagay naman sa mukha mo ang salitang stalker eh hahahaha" pang aasar pa ni Jaja

"Anong sabi mo?"

"Bingi ka talaga eh noh?"

"Narinig ko yun"

"Eh yun naman pala eh bat ka pa nagtatanong?"

Ayan nanaman silang dalawa lagi na lang silang ganyan, nagkatinginan kami maliban sa dalawa at nagsitanguan. Tinginan pa lang naming alam na naming ang dapat naming gawin, ayoko na ako ang magsasalita kaya mas minabuti naming si Vinle ang magsalita dahil alam naman naming hindi sila makakaangal dito.

"Jaja and Jusper you'll do that work together" malumanay na sabi nito at napalingon naman sila samin

"WHAT? WAAAH WAG MO KONG PARUSAHAN NG GANYAN VINLE" pagrereklamo ni Jaja

"No complain" sagot naman ni Vinle

"Pare nagbibiro ka di ba? Mas okay na sana kung sya lang ang gagawa eh" sabi naman ni Jusper

"No"

"HOY ANONG AKO? IKAW KAYA ANG NAPAGKASUNDUAN NA GAGAWA NUN KAYA BAKIT PATI AKO? LAH WAAAAAAAH MIYUUUU~" yayakap sana sakin si Jaja ng harangan ni Chiaka.

"No complain daw sabi ni Vinle di ba?" sabi ni Chiaka at napapout na lang si Jaja

Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa kanilang dalawa at nung tumayo kami bigla na lang may umilaw at

Iminulat ko ang mata ko nakita ko ang puting kisame at nakita ko rin ang parang bag na may tubig na nakasabi sa ibabaw ng ulo ko, huh? Tinaas ko ang kamay ko at

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon