Jasmin yawned, “Inaantok na ako. Nagyaya siya saakin kanina na magsho shopping daw kami bukas. Ako na ang bahalang kumausap sakaniya.” pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad patungo sa kanilang kwarto ni Vaughn. “Goodnight!” pero napahinto siya sa paghakbang paakyat ng hagdan nang may maalala.

Nga pala! Kuya Clinton.” baling niya kay Clinton.

“Hm?”

“Ah... Hehehe naaalala ko, susunduin ko nga pala dapat si Akari ngayon. Kaso pagod ako eh, tsaka maaga pa ako bukas. Pwedeng ikaw nalang ang sumundo sa kaniya? Isesend ko nalang sayo yung address. Pleaseee?”

“But—”

“Pretty pleasee?”

“Sigh. Mm... Sure.”

“Wah! Thank you! Kuya Clinton, you're the best!” tumuloy na siya at dumiretso na agad sa kwarto para magpahinga.

Sabay sabay na binalingan ng lahat ang kanilang amo na tumayo na rin mula sa kinauupuan. Umuwi na kayo. Bukas nalang natin ituloy ito.”

“Kung kaibigan ni Sue.... ibig ba sabihin nito kaya nakidnap noon si Sue dahil sa babaeng yun?” kunot noong tanong ni Josh.

“Yeah. Definitely.” walang ganang sambit naman ni Clover.

Bukas.... boss susundan ba namin sila ma'am Sue?” tanong ni Hunter.

Umiling si Vaughn, “No need.”

“Huh?”

Sasama tayo sa kaniya.” wika ni Vaughn na mas lalong ikinakunot noo ng lahat. Alam nilang maganda naman ang planong iyon pero ang tanong ay kung papayag naman ba si Sue?

“Eh??”

Sinabi ko nang umuwi na kayo diba? Alis!”

Napakamot ng batok sila Josh at Hunter pero walang nagawa kundi ang umalis nalang. Ganon din ang iba. Napasimangot sila, ang cold ba naman ng boss nila?

Habang bumabyahe si Clinton ay nakatanggap siya ng message mula kay Jasmin. Yun na ang kanina pa niyang hinihintay.  Pero otomatikong umarko ang kilay niya nang mabasa ang nakasulat na address.

“Bar?” at bakit naman siya naroon? May kasama ba siya? Babae ba? O baka nakikipag date na? Mas lalong umarko ang kilay niya sa naisip na baka nakipagkita siya sa lalakeng nagngangalang Max na kinaiinisan niya kapag nasa paligid ng dalagang si Akari.

Tss. Subukan niya lang makipagkita sa lalakeng yun.”baka magbago ang isip ko at hindi ko siya ihatid sa bahay nila't idiretso ko siya sa bahay.

The Billionaire's Childish Wife (√)Where stories live. Discover now