Simula

8.7K 130 49
                                    

Wanna add me on facebook? Please do. Kailangan mo ng kausap? Advice tungkol sa hirap ng buhay, lovelife, and schools, mental health, etc? Just hit me up with your message. Nagrereply ako.

There you can also see my updates about writing and other stuffs I do in my daily lives. Not my personal account but it's active for all my readers.

Add "Reiyian Stories" on Facebook. Usap tayo.

----------------------------------------------------------------------------

Warning: Language, violence.

Simula

Nakakabulag na dilim. Nakakabinging katahimikan. Napa-kasikip na silid. Ito ang bumungad sa akin nang imulat ko ang aking mga mata. Hindi mai-galaw ang kamay at paa dahil naka-gapos.

Hindi ako makasigaw dahil may busal ang aking bibig. It felt slowly suffocating. Gusto kong mag-wala at sumigaw ngunit hindi ko magawa.

Pawis at luha lamang ang kaya kong ilabas. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Nasaan ako?

Biglang rumagasa sa aking alaala ang nangyari bago ako mawalan ng malay. I was inside of our car with my dad and his bodyguards. I was peacefully listening to music, trying to calm myself.

Hindi ko lubos maisip na ito ang sinagot ng panginoon sa hiling ko na nais makatakas sa aking ama. I was forced to meet the older guy, dad wants me to marry in the future. Labis ang tutol sa aking kalooban pero wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Ilang ulit kong hinilang na sana ay hindi iyon matuloy. And it happened, hindi kami naka-rating sa pupuntahan namin dahil may nangyari. Iyon ang dahilan kung bakit mas naging impyerno ang sitwasyon na meron ako.

I was kidnapped...

Naramdaman ko na ang hapdi sa aking mga kamay at paa dahil pilit akong kumakawala sa pagkakagapos. Halos maubos na ang lakas na meron ako pero kahit lumuwag man lang ng konti ang tali ay hindi nangyari.

Bumukas ang pinto ng silid kaya may sumilip na liwanag. Mas lalo akong binalot ng takot dahil bulto ng isang lalaki ang nakita ko. Napa-pikit ako nang binuksan nito ang ilaw pero agad ding napadilat.

Punong-puno ng pawis at luha ang mukha ko. Gusto ko siyang sigawan ngunit wala akong nagawa kundi ang titigan siya na unti-unting lumalapit sa akin.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakasuot siya ng bonet at sombrero. Isang kupasin na pantalon at itim na t-shirt ang suot niya.

Kahit sobrang hirap ay natigil ang pag-hikbi ko nang tinutok nito ang baril sa ulo ko. Halos hindi ako maka-hinga at hinintay nalang na sumabog iyon sa ulo.

Napansin ko ang pag-hulma ng ugat sa  isang kamay nito habang kinukuyom ang kamao. Pinipigilan ang sarili ngunit ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata. Nag-babagang galit na kaya akong tupukin anumang oras.

Anu bang nagawa kong kasalanan sa kanya?

Binitiwan nito ang baril saka sinuntok ang mesa na nasa gilid ko. Galit na galit niya itong pinag-buntunan ng galit, imbes na iputok sa akin ang baril niya.

Mas lalo akong sumiksik sa gilid at nanginig sa takot. Tumingala ako sa kanya at nag-mamakaawa ang mga mata. Tinanggal nito ang suot na mask kaya nakita ko ang mukha niya.

Hindi ko siya kilala. Hindi nakaka-takot ang mukha niya gaya ng inaasahan ko. Ibang-iba kumpara sa naiisip ko. How did he become a monster?

Marahas niyang hinawakan ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay at pinatingala sa kanya. Nasasaktan ako dahil sa higpit ng pagkaka-hawak niya ngunit hindi ko na iyon inalintana.

In the Arms of Criminal Soldier (COMPLETE) Where stories live. Discover now