He kissed me; again; like last night. Nanghina na naman ang mga tuhod ko sa tagpo namin na tila inuubos niya ang lakas ko. Kung hindi niya lang sinusuportahan ang leeg ko baka tuluyan na akong napasandal sa pintuan ng cuarto ko. Gino bit my lip and just like last time, an uncontrolled moan escaped from my mouth.

Napaurong ako! Na naman? Nangisi lamang ang damuho habang nakatitig sa akin ang mga mala-uling na mata na para na namang nakainom!

"Breakfast na tayo?" sabi niyang may lambing.

Hindi man lang niya banggitin ang nangyari ngayon lang? Gino just asked me breakfast as if he didn't even kiss me, or as if what we did was normal for him, for us!

"Nakakatatlo ka na agad ha! Gusto mo ba ng minus points sakin?" Pananakot ko sa kaniya kasi kung hindi, baka mang-abuso nang mang-abuso ang damuho; ngunit tumawa lamang siya bago niya malambing na isinagi ang matangos niyang ilong sa maliit pero matangos ko ring ilong.

"Pampagising ko lang."

"Porque inaantok! Ganiyan din ba idadahilan mo sakin kung nakatulog ka ng maayos tapos hahalikan mo ko?"

"Oo. Iba naman kasi ginigising ko nu'n," nangingising aniya.

Napairap na lang ako!

"Mahal kita," bulong niya sa akin at mula sa batok ko, inangat niya ang magaspang na palad patungo sa likuran ng ulo ko, upang patakan ako ng isang halik sa noo na tumagal ng ilang segundo.

Nakangiti siyang nakatitig sa akin pagkatapos. Napakurap ako dahil para ngang nawala ang antok sa mga mata niya.

Just like that, I let it slid. With only his sweet gestures as bargain to his naughtiness. We've only just begun our courting phase, but he acted as if we're a couple already. Hindi ko alam kung papaano ko kakayanin itong mga ginagawa niya pero naisip ko na baka makasanayan ko rin kalaunan lalo na pag naging official na kaming dalawa.

Bumaba na kaming dalawa kalaunan para makapag-almusal na kasama ni Papa; ng tatay niya.

I cannot concentrate fully at school especially with Gino's presence near me. Ang ironic kasi ako 'yung nakatulog ng maayos sa aming dalawa pero ako pala itong 'di nakakinig ng mabuti sa mga lectures ng mga professors. His presence was too much for me to neglect. Ngayon pang nasa likuran ko siya mula nang magbago kami ng seating arrangement sa klase.

Nararamdaman ko ang titig niya mula sa likod ko, at sa tuwing susulyap nga ako sa kaniya nahuhuli kong nakatingin siya sa akin. Nakasandal ang likod niya sa back support ng upuan habang naglalaro sa mga daliri ang gamit na ballpen.

"Nasa harap ang board," sabi niya isang beses nang sulyapan ko nga siya.

"Excuse me?" I frowned.

"Hindi ka nakikinig kay ma'am, ha. Sige ka, pag bumagsak ka, masisira kinabukasan mo."

I frowned harder. Did he just make it sound like I wasn't really listening? Ugh.

"Nakikinig po ako 'no," pataray kong sagot at sakto ring napatingin sa katabi niyang nakiusyoso sa amin.

"Hm? O baka naman kaya ka nakatingin dito kasi nakikita mo kinabukasan mo sakin; katabi ko; kasama ko."

"Boom!" kumento ng lalaking katabi niya.

Namula ang magkabilang pisngi ko. Nasuway kaming tatlo ng professor kaya napatingin na uli ako sa whiteboard, pero bago ako humarap nang narinig ko ang pag-apir nila sa isa't isa.

God, Maginoo!

I must admit, he got me there. Naiinis ako pero nangingiti rin sa kabuuan ng klase namin. Hindi niya naman ako kita kasi nakatalikod ako sa kaniya. Hindi na rin talaga ako nakapag-focus sa bawat diskusyon at nahuli ko na lang ang sariling nagsulat ng mga pangalan namin sa likod ng filler notebook ko.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now