Nakapasok na sila sa loob. Nagtago ako sa may gilid ng hideout nila, sa kung saan walang makakakita sa’kin. May bintana dito na transparent pero dahil sa tagal na sigurong hindi nalilinis ang hideout na ito ay hindi na makita ang nasa loob. Nilinis ko ng kamay ko ang maliit na parte ng salamin na bintana at nakita ko na ang mga tao sa loob. Tinignan ko ang bilang nila, halos lahat ata ng miyembro naandito. Isa talagang napaka-importanteng tao ang senyor na iyon. Binuksan ko ng kaunti ang kabilang side ng bintana para madinig ko ang magiging usapan nila.

“Asan na Brad?” tanong ni Aldrin

“Parating na daw.”

“May ideya ba kayo kung ano ang pag-uusapan daw?” tanong naman ni Lharby

“Bagong patakaran daw sabi.” sagot din nung isa. Bigla namang natahimik ang lahat ng may dumating. Hindi ko ito makita dahil nakatalikod.

Pero....

Siya na... Siya na ang hinahanap ko... Ang markang iyon...

Ang kelangan nalang ay lumingon siya para makita ko ang mukha nitong lalaking pumatay sa mga magulang ko. Napaka-pormal ng suot niya, senyor na senyor ang dating. Hindi mo aakalain sa tindig at kilos niya na isa siyang mamamatay tao.

“I’m back TGS.” nagtaasan ang mga balahibo ko ng bigla siyang magsalita.

Ang boses niya...

Narinig ko na...

Pero kailan?

Hindi ko na maalala...

Naglakad siya sa  hideout nila, tila naninibago ito. Nang lilingon na dapat siya sa side ko ay biglang may humawak sa balikat ko na agad na nakapagpalingon sa’kin.

Isang nakangiting David na mukhang shunga ang tumambad sa’kin, Nakakaasaaaaaaaaaaar! >___< Binalik ko ulit ang tingin ko sa Senyor nila pero walaa na, nakaupo na ito at nakatalikod sa’kin.

Kinalabit na naman ako ni David kaya lumingon na ko,

“Anong ginagawa mo dito beks? Gusto mo na bang mamatay? Tsk tsk. Ang alam ko sacred place ang lugar na ito. My gaaaaash! Tara na!” nag-aalalang sabi ni David, hinatak na niya ko palayo sa bintana.

“Eeeeh! Dito muna ako, tsaka bakit mo ba ko sinundan? Nakakainis ka ah! >_<”

“Ano ba kasing ginagawa mo dito?”

“Sightseeing beks! Sawa na kasi ako sa building natin, gusto ko bago naman. =__=”

“Gaga, ano nga kasi? Tsaka sino ba sinisilip mo diyan?” nagtangka siyang sumilip pero biglang may nagsalita sa loob.

 

“May tao ba sa labas? Tignan niyo nga.” boses ni Aldrin yun, agad kong hinatak patakbo si beks para makalayo kami sa lugar na iyon.

Nang makalayo na kami...

“Tss! Haggardo Versoza na tuloy ako! >__<” reklamo ni beks habang nagpupunas ng pawis sa noo.

“Kung hindi ka ba naman  kasi abnormal e, sino bang may sabing sundan mo ko?”

“Eh? Kasi ayaw mo ko isama e. Ano ba kasing ginagawa mo dun? Tsaka boses ni Aldrin yung kanina ah. Type mo si Aldrin loves?” yung mga tanungan minsan nito ni bakla nakakainis. -___- Pati boses ni Aldrin na-identify niya? Siya na tunay na stalker.

Nauna akong maglakad sa kanya bago ako nagsalita, “Nakita ko na siya beks...”

“Sino?” tumabi siya sa’kin

“Ang pumatay sa mga magulang ko...”

 

 

“WHUUUUUUUUUT~? TGS member ang pumatay sa magulang mo?”

Tumango ako sa kanya.

“Ow my gaaaaaaash!” gulat na gulat na sabi niya


“Kaya umpisa palang beks, ayoko na ng gangster dahil sila ang dahilan ng lahat.”

“P-pa’no si Papa Lharbs?”

Nagkibit-balikat ako, “Hindi ko alam.”

“Gosh beks, wag mong sabihin na wala ng chance na maging kayo?”

Wala na nga ba? Matatanggap ko ba ang pagiging gangster niya? Sa pag-ibig ba laging may exception? Biglang may tumulong luha sa kanang mata ko. Pinahid ko ito. Bakit ako naiiyak?

#WaitForTheNextChapter

 

 

XXXXX

Thanks for reading! ^__^

Uwaaaah~! Patapos na talaga siya. *___* Ajujuju! Gusto niyo na bang makilala si Senyor? MALAPIT NA. *U*

Oy ah, yung teaser video sa gilid panuorin niyo. Mehehe~ Thankies!

VOTE, COMMENT & RECOMMEND TO FRIENDS. *U*

---superJEMI <3

The Double Personality GangsterWhere stories live. Discover now