Ate Lenny's face turned ashen. Parang multo ang nakikita ng kapatid habang nakatitig sa mukha niya. Nangangatal din ang mga labi nito. "N-Neilson..."

"Puwede mong sabihin sa akin kung anuman ang pinagdadaanan mo. Oo, hindi ko nga siguro maiintindihan. Kahit na. Wala akong pakialam. Basta 'wag ka lang maging ganito."

Mariing pumikit si Ate Lenny. Dahil doon, umagos ang luha sa magkabilang pisngi nito. Nang dumilat ang kapatid, parang lalo pa itong nahirapan kaysa kanina. "I'm sorry, Neilson..." Nilagpasan lang uli siya nito.

Naihilamos ni Neil ang mga kamay sa mukha. "Ate Lenny..."

Susunod sana siya nang maramdaman na may pumigil sa braso niya.

Para siyang kinuryente dahil sa pamilyar na pakiramdam. Pamilyar ang paghawak. Kahit hindi tingnan ang humawak sa kanya, alam niya kung sino iyon.

Una siyang tumingin sa pamilyar na kamy na nakahawak sa braso niya. Unti-unting tumaas ang mga mata niya sa braso. Hanggang sa makarating siya sa mukha ni Celia.

Malungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Ako na ang susunod kay Ate Lenny. Bumalik ka na sa bahay. Kailangan ka ng mga bata."

Puno ng pakiusap ang boses ng babae. Kahit ano ay gagawin niya. Kahit ano ang sabihin nito. Basta mawala lang ang lungkot sa mga mata ni Celia.

Nilingon niya sa huling pagkakataon si Ate Lenny. Hindi ganoon kabilis ang paglakad nito dahil sa luggage na dala. Ibinalik niya ang tingin kay Celia. Marami siyang gustong sabihin na hindi kayang ilabas. Ipinarating na lang niya sa pamamagitan ng titig na iyon.

That was... if she could ever read his eyes.

Bumitaw si Celia sa pagkakahawak sa kanya.

Lahat ay ginawa ni Neil, huwag lang niyang mahawakan ang kamay nito para ibalik sa kanyang balat.

Umatras siya at tumango. "Ikaw na ang bahala."

Tumango rin si Celia at lumakad na pasunod kay Ate Lenny. Siya ay lumakad na rin pero sa kabilan direksiyon naman—pabalik sa bahay.

Palaging ganoon ang sitwasyon. Palaging magkabilang panig siya pumupunta. Sa halip na magkasalubong, palaging papalayo sa bawat isa ang direksiyon nila.

KANINA pa nakasunod si Celia kay Lenny. Pero hindi niya magawang lapitan ang hipag. May ilang hakbang na distansiya sa pagitan nila. Basta sinusundan lang niya ito.

Nag-iisip pa siya ng plano.

Hindi puwedeng umalis si Lenny. Hindi puwedeng masira ang pamilya nito. Pero wala siyang mabuong matinong plano. Lumulutang ang isip niya dahil sa mga narinig na sinabi ni Neil kanina sa kapatid nito...

"Buong buhay mong pagsisisihan 'to kapag ipinagpatuloy mo. You would wake up each damn day thinking if things would turn out different if you didn't do what you're doing right now."

Hindi maipaliwanag ni Celia ang nararamdaman kanina nang marinig ang mga iyon kay Neil. Nabulabog ang kanyang puso at isip. Parang nagbubuhol-buhol ang mga ugat niya sa puso dahil sa mga sinabi nito.

Now, her veins seemed like twisted pretzels.

Bakit sinabi ni Neil ang lahat ng iyon? May regrets ba ang dating asawa?

Ano ba'ng nangyayari sa'yo Celine? Limang taon na, ngayn mo lang naiisip 'yan?

Natauhan lang siya nang makita na tumigil na sa paglakad si Lenny. Umaalog ang mga balikat nito kaya walang dud ana umiiyak ito. Parang may matigas na kamay na pumiga sa puso niya. Masayahin at matatag ang personalidad ni Lenny. Sa loob ng maraming taon na pinagsamahan nila, hindi niya ito nakikita na naging sobrang emosyonal. Maliban lang siguro noong naghiwalay sila ni Neil. Pero maliban doon ay wala na.

When The Sun Kisses The MoonWhere stories live. Discover now