Chapter 6

30 18 6
                                    

KUNG mamahalin man ni Austen si Neil ay hindi pa sigurado ngayon ang panahon na iyon. Mula pa kasi nang dumating sila ni Celia at Neil sa Baguio, nangangastigo lagi ang tono ng lalaki. Nang ipakilala nga siya ng girlfriend parang gusto siyang sakalin at pagsusuntukin ni Austen.

Doon sila tumuloy sa bahay ng Lolo ni Celia na si Lolo Greg.

Hindi inaasahan ni Neil ang bahay ng Lolo ng girlfriend. Simpleng bahay lang ang inaasahan niya. Pero nagulat talaga siya na isang mansiyon ang tirahan ng Lolo nito. The old man dressed as if he was the mayor of the town. Ang tanging konsolasyon lang niya ay ang simpleng pananamit din ni Austen.

"Hindi mo sinabi sa akin na mayaman pala talaga kayo..." alanganing bulong ni Neil kay Celia.

"Ang pamilya ko ang mayaman, hindi ako," sagot naman nito.

Neil did not know what to feel. Parang ganoon yata ang naririnig niyang dialogue sa mga pelikula ng mayayaman na nagkakagusto sa mahihirap. Pero ang sabi rin ni Celia, may lahi itong Igorot. So far, wala pa siyang nakikitang Igorot sa ilang mga pinsan na naipakilala nito sa kaniya.

Hindi na niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. Ano ang inaasahan ng pamilya ni Celia sa kaniya? Ngayon na nakikita na ang totoong estado ni Celia sa buhay, nag-aalangan na siya sa sarili.

Well, nasagot iyon ni Austen. "Magpapakasal kayo. Agad."

"Iyon po talaga ang plano naming," lakas-loob na sabi ni Neil. Hindi niya malaman kung tatawagin ba ang lalaki ng "Kuya" dahil hindi pa rin nagbabago ang talim ng mga mat anito.

"Bukas."

Nanlaki ang mga mata niya.

Pati si Celia ay nagulat din. "Pero, Kuya—"

"Sir, talagang papakasalan ko si Celia, Pero alam n'yo naman na wala pa ako sa legal age. Kailagan ng consent ng ate ko. Siya na lang ang nag-iisang pamilya ko. Gusto ko san ana kasama siya kapag ikinasal kami ni Celia."

"Ate mo? Wala na kayong mga magulang?" Lumambot nang bahagya ang ekspresiyon ni Austen.

Tumango si Neil. Sinamantala niya ang pagkakataon. Inilabas niya ang picture ni Ate Lenny na nasa wallet niya. Matagal na ang picture na iyon. Nag-insist kasi ang kapatid na iligay niya ang picture nito sa kaniyang wallet noong nasa college pa siya. Dahil baka mawala raw siya o kung ano ang mangyari sa kaniya. Mabuti nang may picture nito na may information sa likod para ma-contact ito agad. Mayroon din siyang kopya ng ID nito sa wallet. Paranoid talaga ang kapatid pagdating sa kaniya.

Tiningnan ni Austen ang picture ni Lenny. Tuluyang lumambot ang ekspresiyon nito. "She's pretty."

"Oo naman po," mabilis na sagot ni Neil. Nang mag-angat ng tingin ay nakataas ang isang kilay nito. Nakamot na lang niya ang ulo. "Marami pa akong pictures ni Ate sa bag ko," nananantiyang sabi niya.

Hinintay niyang barahin siya ni Austen. Na sabihin wala itong pakialam. Pero walang ganoon.

Nagandahan nga talaga kay Ate Lenny.

"Itutuloy pa rin natin ang kasal bukas. Civil wedding lang naman. Ulitin ninyo na lang. Sigurado naman mas gusto ng ate mon a mas prepared ang kasal n'yo. Gusto ko lang talaga na makasal na kayo para sa bata."

Gusto rin iyon ni Neil. Ang problema nga ay underage pa siya. Kailangan ng sign ng kaniyang guardian.

"Meron ka bang kopya ng signature ng Ate mo?" tanong ni Austen.

"Ah... meron." May pirma ng kaniyang ate sa ID nito na nasa wallet din niya.

Kinabukasan, nakahanda na ang lahat. Lalong kinabahan si Neil dahil nari-realize na niya kung gaano ang impluwensiya ng pamilya ni Celia. Kakilala raw ng mga ito ang judge na magkakasal sa kanila. Nagawan ng paraan ang lahat. Kailangan na lang ang presence nil ani Celia, ang "oo" nila, at ang pirma.

When The Sun Kisses The MoonWhere stories live. Discover now