Chapter 12

24 7 2
                                    

"LOVE."

Mula sa pagiging busy sa pagkain ng cheesecake ay nag-angat ng tingin si Celia at tumingin kay Neil. "Bakit?"

Ang mga mata ng girlfriend ay agad na tumitig kay Neil. Her eyes were so expensive. Gusto niya ang lahat ng bahagi ng mukha nito. Pero ang mga mata ang kahit kalian ay hinding-hindi niya pagsasawaang pagmasdan. It felt like he could do anything whenever her golden eyes bore into him. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na nasa kanya ang puso ng nagmamay-ari ng mga matang iyon.

"Love?" tanong ulit ni Celia dahil hindi siya nagsasalita.

Natauhan siya. Basta tinititigan si Celia ay nawawala na siya sa sarili. "Hindi ka pa ba tapos?" sa halip ay tanong niya.

Wala pa silang isang oras na naroon sa café. At hindi pa niya gustong umalis sila doon pero...

Tumingin si Neil sa counter kung saan may dalawang babae na nakatayo. Kilala niya ang isa sa dalawang babae. Nakaramdaman siya nag pag-aalala. Kahit hindi pa nakakapangalahati si Celia sa cheesecake na kinakain nito, gusto na niyang umalis sila.

"Ano'ng nangyayari sa'yo?" nagtatakang tanong uli ni Celia. Tumingin din ito sa tinitingnan niya kaya nag-iwas siya ng tingin at ibinalik ang mga mata sa girlfriend.

"Wala," sagot niya. "Baka lang kasi naiinip ka na."

Pero hindi niya matiis. Sumulyap na naman siya sa counter.

"Neil."

"Hmm..."

"Tumingin ka nga sa akin."

Dahan-dahan siyang tumingin kay Celia. Worried siya na baka kung ano ang isipin nito. Na baka tumitingin siya sa ibang babae. Nakaramdam siya ng panic.

"Ano'ng nangyayari?" tanong nito.

"Wala," napapalunok na sagot niya. Pero parang gusto na niyang sabihin. Isa kasi sa dalawang babae sa counter ay ex-girlfriend niya.

Hinawakan ni Celia ang kanyang mukha at pinagtama ang mga mata nila. "Alam ko naman na meron. Sabihin mo na, 'wag ka nang magpapilit. Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?"

Sumulyap siya nang mabilisan sa counter. "Wala naman kasi talaga..."

Pinisil nito ang baba niya at pinanlakihan din siya ng mga mata. "Kanina ka pa tingin nang tingin sa counter. Kilala mo ba ang mga babae do'n?"

Hindi na mapigil ni Neil ang pag-aalala. "Kilala ko lang 'yong isa sa kanila... Actually..." Napailing siya. "'Wag na nating pag-usapan. Sige na, ipagpatuloy mo na ang pagkain mo ng cheesecake."

Hindi binitawan ng girlfriend ang mukha niya. "Kapag hindi mo sinabi kung ano'ng nangyayari sa'yo, hahalikan talaga kita ngayon na mismo."

Sa kabila ng nararamdamang pag-aalala ay napangisi siya. "Hindi ko sasabihin."

Natawa nang malakas si Celia.

Hindi na alam ni Neil kung gaano karaming beses na niyang narinig ang tawa nito. Pero kinikilig pa rin siya. Oo, kinikilig siya sa tawa ni Celia—mataginting at puno ng buhay. Ang girlfriend lang ang babaeng kilala niya na ganoon kung tumawa. Ito lang din ang babae na naging ganoon ang epekto sa kanya. Lahat ng gawin nito, may epekto sa buong pagkatao niya. At walang pakialam si Celia kahit ano pa ang itsura habang tumatawa.

"I'm in love with crazy," nasabi na lang niya.

Hindi na niya maipaliwanag ang nararamdaman. Punong-puno ang puso niya ng saya. Parang mapupunit na rin ang kanyang bibig sa pagngiti.

When The Sun Kisses The Moonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن