Chapter 4

32 20 3
                                    

Past

ISANG simpleng text message lang ang sinend ni Celia kay Neilson. Nag-cancel siya sa dinner date dapat nila ngayong gabi. Masama ang pakiramdam niya. Hindi kasi kayang lumabas. May period siya ngayon. At kapag may period, may dysmenorrhea siya.

Nakakalimang date na sila ng lalaki. Dalawang lunch dates at tatlong coffe dates. Pang-anim na sana ngayon.

Nakabalot siya ng kumot na parang cocoon habang nakahiga sa kaniyang kama. Sinusubukan niyang matulog pero hindi rin niya kaya dahil kumikirot ang puson niya.

Solo niya ang buong apartment ngayon. Wala ang kaniyang housemate. May project daw na kailangang tapusin sa bahay ng isang classmate sa Quezon City kaya doon muna raw ito matutulog ngayong gabi. Pero baka pag-uwi ng housemate niya sa umaga, bangkay na lang siguro niya ang aabutan nito.

Hindi OA si Celia. Sadyang para siyang pinapatay sa sakit na nararamdaman. Kapag umaatake ang kirot ng puson, wala siyang ibang magawa kundi ang mamilipit sa sakit.

Gusto ni Kuya Austen na doon siya tumira sa bahay ng mga Villareal sa Ayala noon. Pero mag-isa siyang titira sa mansiyon? Thanks, but no thanks. Hindi siya tatagal na tumira nang apat na taon sa mansiyon nang mag-isa lang. Kaya nagpumilit siya kay Kuya Austen na maghahanap na lang ng apartment na matitirhan. Kung may makaka-share siya, mas maganda.

Ayaw niyang mamuhay bilang isang Villareal habang nasa Maynila. Hindi dahil sa ayaw niya sa kaniyang pangalan. Ang gusto lang sana niya, mamuhay bilang isang normal na babae, normal na estudyante. Hindi niya gusto ang special treatment kapag nalaman ng mga tao sa kaniyang paligid ang estado sa buhay. Kahit sa housemate niyang si Nelia ay hindi alam na mayaman ang pamilya niya. Kilala lang siya nito bilang si Celia—hindi mahirap pero hindi rin naman mayaman. Mas gusto niya ang ganoon.

Nang tumunog ang kaniyang cell phone na nasa may tabi lang ng kama, tiningnan niya kung galing ba kay Neilson ang text. Galing nga sa lalaki.

Why?

Tumunog uli ang cell phone niya, palatandaang nag-text uli si Neilson.

Okay lang naman kahit hindi tayo matuloy. Gusto ko lang malaman kung okay ka lang ba?

Okay lang ako. Medyo masama lang ang pakiramdam ko.

Naisip niyang idagdag na ang dahilan kaya nag-text uli siya. Mas mabuti nang alam ni Neilson na dahil masama ang pakiramdam niya kaya hindi muna matutuloy ang date nila ngayon. He was too nervous to ask her to have dinner. Ang mga naunang dates nila sa nakalipas na dalawang buwan ay palaging pang-umaga. Nakita niya kung gaano ito kasaya nang pumayag siya sa dinner date.

Wrong timing naman kasi ang red flag.

Na-text uli si Neilson.

Anong sakit? Okay ka lang ba talaga?

Lagnat? Ubo? Sipon?

Sorry. Worried lang talaga ako.

Hindi masyadong halata ang pag-aalala ng lalaki sa kaniya. Tatlong magkakasunod na text lang naman.

Dysmenorrhea.

Pinili na lang ni Celia na magsabi ng totoo.

Dysmenorrhea. 'Yong... it's a woman thing, right?

Yup.

Sigurado ka bang okay ka lang talaga?

Biglang kumirot nang husto ang kaniyang puson kaya nabitawan niya ang cell phone. Namalukot siya sa kama. Maluha-luha na siya nang medyo mabawasan ang kirot. Sunod-sunod pa uli ang pagtunog ng cell phone. Pero hindi na niya tiningnan pa iyon.

When The Sun Kisses The MoonWhere stories live. Discover now