May masakit na pakiramdam na pilit gustong mangibabaw sa kanya pero pilit niyang pinipigilan. Hindi puwedeng sarili niya ang isipin ngayon. He had done enough of that before. Kaya sila nasira ay dahil sa kanya. Dahil sa pagiging makasarili.

"TITA Celia, gusto ko rin po ng pancake," ungot ni Kyron na hinila ang kamay niya.

Nag-iwas ng tingin si Celia kay Neilson at tumingin kay Kyron. Ngumiti siya sa pamangkin. "Yes, baby. Gusto mo rin ng strawberry syrup?"

"No, Tita. Gusto ko po, maple syrup."

"Okay." Alam ni Celia na hindi pa rin umaalis si Neilson sa kinatatayuan nito sa pinto ng kusina.

Papapasukin ba niya ang lalaki at pauupuin? Hindi na niya kailangang sabihan si Neilson dahil hindi naman ito bisita. Kapamilya ito ni Lenny.

"Toto Nison, why you stan... stand there?" tanong ni Jairus. "No hungry?"

"No, no baby. I'm hungry." Ngumiti si Neilson kay Jairus.

Pumasok nan ang tuluyan ang lalaki sa kusina at naghila ng upuan sa tabi ni Jairus.

Walang choice si Celia. Magkaharap sila ni Neilson. Alangang lumipat siya ng upuan? Hindi niya gagawin iyon.

"Tito Neilson, kilala mo ba si Tita Celia? Ngayon lang kayo kita, right?" Si Kyron ang nagtanong na iyon.

Nagkatinginan sina Neilson at Celia. Ni hindi pa naipapanganak ang panganay na si Kyron nang maghiwalay sila. Hindi bumibisita si Neilson sa Bagitan mula noon. Walang chance na magkita-kita silang lahat. At masyado pang bata sina Kyron at Jairus para paliwanagan sa kung ano ang nangyari sa nakaraan.

"Hi, Neilson," kunwari ay bati niya.

Ilang beses na kumurap ang lalaki na parang may maling narinig. Nakatitig lang ito sa kanyang mukha. Dahil doon, parang gusto nang mag-init ng ulo niya.

Why are you looking at me like that? Na parang mababasa ng lalaki ang iniisip niya. Parang gusto tuloy niyang tusukin ang mga mata nito.

Pero mayamaya ay mukhang natauhan si Neilson dahil sumagot na ito. "Hi, Celia."

Tumango lang siya bago nag-iwas ng tingin. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa dalawang pamangkin na abala sa pagkain. Lalo na kay Jairus dahil medyo makalat pa itong kumain.

Pero parang may mga nagtatalo-talong boses sa kanyang l oob. Parang sumasama ang pakiramdam niya. Iyon ang unang pag-uusap nil ani Neilson mula nang huli silang magkita noon.

"More pancakes, Jairus?"

Tumango si Jairus. Pero ang sumunod na sinabi ng bata ay parang nakapagparalisa kay Celia. "Tita, troo ba... baby is gone? She's no in Mommy's tummy? Troo?"

Hindi niya malaman kung paano sasagutin iyon. Napatingin siya kay Neilson. Kahit ito ay halatang nagulat din sa sinabi ni Jairus.

"Jairus..." sabi ni Celia.

"Jairus!" pabulong lang ang boses na singit ni Kyron pero mariin. "Hindi mo dapat sasabihin. It's our secret."

Kahit na pabulong ang pagkakasabi ni Kyron, malinaw pa rin iyon na narinig ni Celia. Nanliliit at nanlulumo ang pakiramdam niya. Ni wala siyang magawa para sa mga pamangkin. Masyado pang bata ang mga ito para maranasan ang ganoon.

"Jairus, Kyron..." Lumunok siya habang tinitingnan sa mga mata ang mga bata. May lungkot sa mga mata ng mga ito na lalo pang dumagdag sa kanyang nararamdaman. "May mga bagay kasi na kailangan talagang mangyari. Our little baby needed to go somewhere."

"Where?" tanong ni Kyron.

"Where?" Gumaya si Jairus.

"Sa heaven. The heaven needs more angel kasi," halos mabasag na ang boses niya. Masakit na masakit ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil ng iyal.

When The Sun Kisses The MoonWo Geschichten leben. Entdecke jetzt