Galit ako kay Elizabeth pero hindi lang talaga ako makapaniwala na masasabi niya iyon. Si Elizabeth ang anak nila ng napaka habang panahon.

"Your father will be here soon. He didn't come home because reporters might come to us. Dahil sa sinabi ng Daddy mo, sigurado akong mas lalo pang mang iintriga ang mga media," si Mommy.

"S-Saan sila pupunta?" tumingin ako sa kanya.

"In your lolo's mansion. Your father and your grandfather will also come here tonight. We are going to prepare for my upcoming birthday."

Oo nga pala. Birthday na ni Mommy sa susunod na linggo. Pero siguradong malaking gulo ito! I don’t know if I’m ready for this.

"Wag kang mag alala, anak. Magiging maayos rin ang lahat. We know you are not used to this life but you need to show yourself to everyone. I also don't want to just hide you here and let people guess who you are. I want to introduce you to them..." she smiled softly at me.

I stared at her for a moment. Alam kong hanggang ngayon, kahit isang taon na ang lumipas, kahit sobra sobra ang sakit na binigay sa kanya ni Elizabeth, nasasaktan pa rin siya na hindi na niya ito kapiling. Alam ko dahil nakikita ko iyon sa mga mata niya. Hindi siya magaling magtago ng nararamdaman niya at kilalang kilala ko na rin siya sa isang taon na nakasama ko siya.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Pero hindi niyo po ba gustong makita si Elizabeth ngayong birthday niyo at alamin ang kalagayan niya?"

Natigilan siya sa tanong ko. Napawi ang kanyang ngiti.

"I know you've been wanting to see her for a long time. It's okay with me if you go to her. She did so many wrongdoings to me but I don't want to be selfish. I know you love her very much..."

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Yumuko siya at nang nag angat ng tingin sa akin, ngumiti at hinaplos ang pisngi ko. Umiling siya. Bumuntong hininga ako.

"Galit po ako sa kanya pero mas gusto ko pong intindihin ang nararamdaman niyo. Alam kong mahirap para sainyo ito, na hindi siya makita nang matagal..."

Tumango siya at hinila ako para mayakap. I hugged her too.

"You're right I want to see her. I considered her my daughter and I loved her dearly. I miss her and even with a little anger and resentment in my heart, my love for her still prevails. Thank you for understanding that, anak..."

Pumikit ako at mas lalo pa siyang niyakap.

"Sigurado akong ganon rin ang Daddy mo pero hindi niya lang pinapakita. He cried too... when everyone found out the truth. He cried that night... Pero sa akin niya lang pinakita iyon..."

Nangilid ang luha sa mga mata ko.

"Mahal na mahal niya si Elizabeth pero... ngayon... hanggang doon nalang iyon."

Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Kumikirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

"Ikaw na ang anak namin ngayon. Siguro hindi mawawala ang pagmamahal namin sa kanya pero ikaw... ikaw na ang mamahalin namin ngayon ng higit pa sa buhay namin..."

I smiled and she hugged me again. In that hug I fully felt her love for me. And I also thoroughly made her feel how happy I am and how much I love her. Hindi nila kailanman pinaramdam sa akin na mas higit ang pagmamahal nila kay Elizabeth dahil lang siya ang lumaki sa kanila. They always remind me that they love me very much and I am very happy with that. Para sa akin sapat na iyon.

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa school. I tried to forget that by cooking here at home, reading a book and watering our plants even though Mommy wouldn't let me.

Door of Happiness (Agravante Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن