KABANATA 19

2.3K 74 3
                                    

Kabanata 19

Hug

--

Nanatili nga ang dalawa hanggang sa malapit na ang lunch. Nag usap usap lang kami roon. Maraming kwento si Audrey kaya naman hindi kami natatahimik. It was relaxing, actually. Akala ko ang pagpapahinga at ang pag iisa lang ang dapat na gawin kapag gusto mong magrelax, pwede rin palang may kasama ka habang ginagawa mo iyon.

Nilingon ko ang seryosong si Brandon habang umaalis sila. He looked at me with his hands in his pockets. Audrey's SUV was already there while Brandon had his own car. His car is black. I don't know what brand of car it is because I'm not familiar with cars pero sobrang ganda at kintab non. Halatang pang mayaman talaga.

"Bye, Cass!" kumaway sa akin si Audrey.

I also waved at her and smiled. She got inside her SUV. Brandon remained standing near his car, also watching Audrey's car leave. Nang dahan dahan na itong umandar ay muli akong nilingon ni Brandon.

"Are you just going to stay here?" tanong niya na para bang gusto niyang malaman ang mga gagawin ko.

Binaling ko sa kanya ang paningin ko. Unti unti nang nawawala ang sasakyan ni Audrey.

"Oo. Mag aaral lang siguro pagkatapos maglaba," sagot ko.

"May gagawin ka bukas?" tanong niya ulit.

Nag isip ako sandali. Bukas? Maglalabada lang rin ako ng mga damit ni tita Evelyn tapos review lang sa bahay. Wala na ako masyadong gagawin.

"Wala naman. Bakit?"

"Wala ka nang pupuntahan bukas?"

"Mmm, wala na. Dito lang ako sa bahay buong maghapon. Mag aaral din siguro."

He nodded and took a deep breath. Ilang sandali kaming nagkatinginan. Hinahangin ng malakas na hangin ang kanyang buhok na nasa may noo niya. He looks very handsome. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming babae ang nagkakagusto sa kanya, e.

Gusto kong tanungin kung bakit siya nagtatanong sa mga gagawin ko ngayon at bukas pero hindi ko nalang tinuloy. Natatakot ako na baka kung ano pa ang isagot niya. Nanahimik nalang ako at pinagmasdan siya.

"I'm gonna text you when I'm home. I'll go now," he said after a while.

Tumango ako. "Okay. Take care..." medyo mahina kong nasabi dahil sa una niyang sinabi.

"Are you going to reply, this time?"

Tss.

Tumango ako at halos umirap. Ngumisi ako. "Wala na akong gagawin kaya magre-reply na ako."

"Good, then," he smirked too. "Bye..." umatras siya ng isang hakbang.

Tumango ako sa kanya. Bago siya tumalikod ay nakita ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa kanyang labi. He got into his car and I just watched him slowly leave. Nang nawala na siya sa paningin ko ay kinagat ko ang aking labi at pinihilan ang sariling mangiti.

Umiling nalang ako sa sarili dahil panay ang ngiti ko kanina pa. Wala namang nakakatawa pero nangingiti ako. Ewan ko ba. May sariling isip yata ang mga labi ko.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nagsimula nalang magluto ng kakainin ko ngayong araw. Gusto ko silang imbitahan na kumain nalang rito para busog na sila pag uwi nila pero sakto lang ang pagkain kong nandito para sa isang linggo. Hindi rin naman sila nagsabi na dito nalang kakain kaya... nagkibit balikat na lamang ako.

Bukas mamimili ulit ako ng pagkain para ulit sa buong isang linggo. Linggo linggo na akong mag go-grocery simula ngayon. At hindi ko na kailangang magpasama ulit kay Arjun dahil alam ko na ang papunta sa grocery, alam ko na rin syempre ang pauwi.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon