KABANATA 21

2.3K 67 2
                                    

Kabanata 21

Lying

--

"How are you?" tanong ni Brandon nang nakalapit.

Hindi ko inasahan iyon. Palagi siyang nagtetext sa akin kanina lalo na noong lunch namin. Ayaw niyang matigil kami sa pag uusap. Ngayon tinatanong niya ako nito na para bang ilang araw kaming hindi nagkita. Gusto kong ngumisi pero pinigilan ko.

"Fine. How about you? I didn't see you around earlier."

He stared at me for a moment and his lips rose for a smile. Pinatunog ko ang dala niya at nagpa init na ng tubig para hindi halata na may paki ako sa sinabi ko.

"I got so busy. Why? Did you look for me earlier?" he asked playfully and leaned closer at the counter.

He put his two hands there and stared at me. Humarap ulit ako sa kanya nang natapos sa ginagawa. His friends are already noisy at their table pero nakikita ko ang pasulyap sulyap ng mga babae sa gawi namin.

Nagtaas ako ng kilay. "Hindi. Bakit kita hahanapin?"

He smirked. "Don't worry, sa susunod gagawa ako ng paraan para makita mo ako."

"Very funny, Brandon. Ang kapal ng mukha mo."

He chuckled at that. "Bakit? You said you didn't see me around earlier so that means hinahanap mo ako."

Hindi na ako nag salita. Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko kaya inirapan ko na lamang siya at sa iba nalang binaling ang atensyon. My heart was pounding so hard at unti unti na akong binabalot ng kahihiyan!

Bakit ba kapag sa kanya nahihiya at kinakabahan ako? Pakiramdam ko wala na akong ibang ginawa kundi ipahiya ang sarili ko sa kanya!

Tumawa ulit si Brandon at hinanap ang mga mata ko. Iritado ko siyang binalingan. He bit his lower lip to suppress a smile.

"Why don't you just admit it? You wanted to see me."

"Tss. Bumalik ka na nga sa table niyo. Ako nalang ang maghahatid ng kape mo," pag iiba ko ng usapan.

"Kapag hindi tayo nagkita sa school, pupunta ako rito."

What?

Gusto kong katusan ang sarili dahil parang na-excite pa ako sa sinabi ni Brandon! What the hell? Kinunot ko ang aking noo para pigilan ang ngiti.

Ang bilis magbago ng mood, Cassandra, ah?

"Bakit mo gagawin iyon? Hindi naman natin kailangang magkita araw araw..." pahina nang pahina ang boses ko na para bang ayaw kong sabihin iyon!

"Talaga? Pero gusto mo akong nakikita araw araw?"

Nanlaki ang mga mata ko roon. He smirked.

"Ang kapal ng mukha mo. Wala akong sinabing ganyan!" sabi ko.

He chuckled. Umayos siya ng tayo at humalukipkip. Tinitigan niya ako habang nag iinit na talaga ang pisngi ko. Hindi lang sa iritasyon kundi sa kahihiyan na rin!

"Pero tutuparin ko pa rin ang sinabi ko. Kapag hindi tayo nagkita sa school, pupunta ako rito. Para naman hindi mo ako nami-miss."

What the hell?

"Ang kapal mo!" wala akong ibang masabi kundi iyon.

Humalakhak siya at nagtaas ng dalawang kamay na para bang sumusuko. "Don't get mad at me. Ayaw ko lang na ma-miss mo ako."

"Umalis ka na nga! Naghihintay na sayo ang mga kaibigan mo. Wag mo akong inisin rito!"

"Okay, fine! Aalis na..." tumatawa niyang sinabi at umatras.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant