KABANATA 31

2.8K 77 29
                                    

Kabanata 31

Daughter

--

"I'm sorry..." Brandon said.

Nilayo niya ako sa kanila at dinala ako sa wala masyadong tao. I’m thankful he did that because I honestly don’t want to get into trouble either. Mabuti nalang walang professor roon kung saan kami nag away ni Elizabeth dahil paniguradong malalagay sa alanganin ang scholar ko pag nagkataon.

"Hindi mo na kailangang magsorry. Hindi mo naman kasalanan."

He sighed. "Nasaktan ka ba?"

"No. I'm fine."

Inayos niya ang buhok kong bahagyang nagulo dahil sa sabunot ni Elizabeth. His jaw clenched. Nakatingala lang ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang gawin iyon. Ilang students na naman ang napapatingin sa amin pero hindi ko na sila nilingon.

"Ihahatid na kita sa classroom mo," he said.

"Hinihintay ako ni Audrey at Arjun sa field. Pupuntahan ko pa sila roon."

"Arjun?" kumunot bigla ang noo niya at natigil sa pag aayos sa buhok ko.

"Si Arjun. Yung... kaibigan ko?"

"You're still close to him?"

"Syempre. Malapit lang ang bahay namin sa isa't isa at madalas kaming magkita rito sa school..."

Kinagat ko ang labi ko nang may naisip.

"We're just friends," sabi ko.

"Tss. Really? Ganyan rin ba ang tingin niya sayo?"

What? Gusto kong matawa. Is he... jealous again?

"Oo. Para ngang kapatid na ang turing namin sa isa't isa."

"O baka ikaw lang?" nagtaas siya ng isang kilay.

Ngumisi ako. "Ano naman ngayon kung ako lang ang ganon sa kanya? Ano naman kung iba ang tingin niya sa akin? Bakit? Nagseselos ka?"

Mariin niya akong tinitigan at lumapit sa akin. Muntik na akong mapa atras dahil sa biglaan niyang paglapit. Napakurap kurap ako pero hindi naalis ang maliit na ngiti sa aking labi. Mukhang naiirita na siya pero heto ako at natatawa.

"Yes. I'm jealous, Cassandra. Very jealous. Magkalapit ng bahay, huh? Ibig sabihin madalas kayong magkita?"

Umirap ako pero nangiti rin. "Oh come on, Brandon! Magkaibigan nga lang kami! At tsaka... sigurado akong kapatid lang rin ang turing niya sa akin."

"How sure are you?" humalukipkip siya at lumayo sa akin.

Nagtaas ako ng isang kilay at humalukipkip na rin. "Are you picking a fight?"

"No. I just want to know how sure are you that he only considers you as a friend."

"Sigurado ako dahil nakikita ko iyon sa kanya. He's caring but I know he's just treating me like his friend because I am really his friend. Or more so, his little sister."

"Tss..." bumusangot ang kanyang mukha.

I chuckled. "Come on. Pag aawayan pa ba natin to? Kaibigan ko lang talaga siya."

At bakit ba kasi napaka seloso mo, Alastair Brandon?

Tumingin siya sa akin. Ngumiti ako pero hindi niya sinuklian iyon. I chuckled again dahil nagsusuplado na naman siya.

"He's just my friend, Brandon..." sabi ko at kinuha ang braso niya para lang maniwala siya sa akin.

Nagtaas siya ng isang kilay. I smiled pero mukhang badtrip talaga siya ngayon. Hindi na siguro maalis sa isip niya yung sinabi kong magkalapit lang ang bahay namin ni Arjun. Matagal na niyang alam iyon pero siguro ngayon niya nalang ulit naaalala iyon.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now