Pero paano na eh sa ngayon pa nga lang naii-stress na ako kakaisip na kong paano kaya kong di ko kakayanin at babagsak ako at maging repeater? Dami kong iniisip at kong sana lang kasing talino ako ng mga kapatid ko kahit mga bulakbol yon kaso ganda lang ang ibiniyaya sa akin ni Lord eh at hindi talino.

Char saang banda ang ganda? ganda ng paa, charot!

Enjoy na enjoy ako sa kaka-picture sa mga naglalaro ng biglang...

BLAG!

"ARAY!"

Diretsong tumama sa mukha ko ang bola na biglang sumulpot galing sa malayo kaya ayun nahulog ang cellphone ko. Agad naman akong dinaluhan ni Shantal at Janica.

"Beshywap, okay ka lang?" at nagawa pa talaga nilang magtanong kong okay lang ako.

"Ikaw kaya matamaan ng bola sa mukha magiging okay ka?" irita kong sabi at tumayo.

Peste ang sakit ng ilong ko! kawawa naman ang pointed nose ko huhu.

"Hala beshywap! dumudugo ilong mo!" biglang sigaw ni Shantal kaya napahawak ako sa ilong ko at punyeta!

Jusko Lord! dumudugo nga ang ilong ko! 

Bigla nalang akong nanghina at buti nalang nahawakan ako ng dalawa at mabilis na tinakpan ni Janica ng panyo ang ilong ko. Nakita ko pang may palapit sa amin at kong minamalas nga naman oh! ang impaktang babae na humila ng buhok ko kanina at naka P.E uniform siya ngayon.

Talagang nakapameywang pang lumapit sa amin kasama na naman ang mga alipores niyang nuknukan ng pangit at ang pula ng mga labi na akala mo kumain ng maanghang.

"Oh look, who's here." sabi pa niya habang nakatingin sa akin.

"Kailangan mo?" sabi naman ni Shantal habang masama ang tingin kay Jerld the impakta girl.

"Kayo? bakit kayo nandito? can the three of you leave?" maarte pa niyang sabi.

Kalbuhin ko siya eh!

"Paano kong ayaw namin? at sayo ba yong hinayupak na bola na tumama sa mukha ko?" sabi ko at itinuro ang bola na nasa paanan ko.

"Yes and so what? is it hurt? buti nga sayo." sabi pa niya.

Dadamputin ko na sana ang bola para ihagis sa pagmumukha niya na masarap ingudngod sa tae ng biglang may tumawag sa pangalan niya at lahat kami ay napalingon sa tumawag sa kanya.

Walang iba kundi si Cheska.

"Jerld, can we talk?" sabi ni Cheska at tumingin kay Jerld at sunod sa akin.

"Later Cheska, I'm busy." sabi ng impakta at tumingin ulit sa akin at dinampot ang bola.

"But I wanted to talk to you right now, please." sabi pa ni Cheska.

Mukhang mabait naman siya.

"Okay but I'll just finish what I'm gonna going to do right now." sabi ni impakta at mabilis na ihinagis sa akin ang bola.

Akala ko tatamaan na naman ako pero imbes na ako ang matamaan ay si Cheska ang natamaan dahil bigla siyang humarang sa akin.

"Napakawalang hiya mo talagang impakta ka!" sigaw ni Shantal at mabilis na hinablot ang buhok ni Jerld.

Nakita kong napaupo si Cheska sa damuhan at nakapikit na siya buti nalang agad ko siyang nahawakan.

Punyeta! nawalan ng malay!

Inunahan pa ako ni ate girl na mawalan ng malay pambihira!

"Cheska gising!" tinapik tapik ko ang mukha niya pero tulog si ate girl.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now