♕CHAPTER 3♕

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi na po your grace, ayos lang po ako," muli kong sagot sa kaniya sabay kuya ng puting tela sa ibabaw ng aking binti at punas nang mahinhin sa aking bibig.

"Kung maaari po ay mauna na ko sa aking silid," tanong ko sa kanila at tumayo na nang makita ko ang pagtango niya sa'kin.

Saglit kong nasipat ng tingin si Kiesha na ngayon ay nakatingin sa'kin nang masama at tila nagtataka bakit ganito ang kinikilos ko, halata sa mga mata niya aang pagkairita sa kilos ko kaya tahimik na lang akong naglakad palabas sa dining room ng mansion.

"Hyas, ano naman kaya ginawa ko sa kaniya?" Baka naman iniisip niya na may pakulo na naman akong binabalak kaya ganito ang inaakto ko, eh sa katotohanan niyan ay masyado lang ako kabado kaya miske ang masarap na karneng kinakain ko ay hindi ko malunok sa sobrang kaba ko.

Agad akong pumanhik sa aking silid at mabilis na pumunta sa loob ng aking silid. Tumalon ako sa malambot na kama saka doon nagwala at nilabas lahat ng nais kong sabihin sa harapan nila.

"Arrrgh!" Hiyaw ko habang nakasubsob ang aking mukha sa kama para walang sino man ang makarinig.

Dalawang araw na lang kasi ay gaganapin na ang pagtitipon sa academy at kokoronahan na si Diana, kung mangyari 'yun ay palapit ako nang palapit sa kamatayan ko dahil ang kasunod ng coronation ay ang pagbili niya kay Viggo.

Isang hakbang ulit palapit sa kamatayan ko.

Nakagat ko ang kuko ko sa hinlalaki at agad na nag-isip ng paraan para maiwasan ang kamatayan nitong si Kiera.

Sa totoo lang hindi ko alam kung pagnamatay ba ang katawan na 'to ay kasama akong mamatay nito o makakabalik ako sa oras ko, kaya natatakot akong ibuwis ang tyansa na meron ako kung pareho kaming mamatay ni Kiera sa katawan na 'to.

Kailangan ko siyang iligtas at ito ang unang plano ko pagtapos ay saka ako maghahanap ng paraan para makabalik naman ako sa panahon ko.

Napabangon ako at agad na naglakad palapit sa round table na nasa loob ng aking silid, kinuha ko ang isang kwaderno at panulat saka nagplano ng mga pwede kong gawin.

"Unang problema ay pano ko mauunahan si Diana na bilhin si Viggo? Pano ko siya mabibili kung wala akong pera? At saan ako kukuha ng pera?" Tanong ko at pagsimula ng isang tanong ay nagdagsaan na ang mga kasunod.

Nasabunutan ko ang buhok ko at sumalumbaba, tumingin ako sa nakasulat na pangalan ni Diana sa papel at binilugan ito ng ilang ulit ng panulat.

"Pwede ko naman hindi dalhin si Diana sa underground market dahil in the first place si Kiera naman ang nagsabi sa kaniya ng lugar na 'yun, ang problema na lang talaga ay saan ako kukuha ng pera," muli kong tanong sa isip ko at muling napatingin sa pangalan ni Diana.

Parang isang light bulb ay biglang nagliwanag ang isip ko at agad na napangisi habang hindi ko mapigilan tumawa mag-isa.

"Hehehe," tawa ko sabay sulat ng mga pangyayari na natatandaan ko sa loob ng libro.

Ayon sa librong na basa ko ay may kaganapan doon kung saan aalipustahin si Diana ng mga kaklase niya bago pa man nila malaman na isa itong prinsesa.

Pagtatawanan nila ito at ipapahiya sa lahat ng mga istudyante na dumalo ng graduation ball at sa totoong kwento ay kasama si Kiera na nakikitawa sa pagpapahiya nila kay Diana.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon