Unti-unti ko lang nalalaman kung pano nabubuhay si Kiera sa loob ng mismong mansion nila.

Kung pano siya ituring ng mga katulong o ng sarili niyang ama. Kung pano siya matahin ng kapatid niyang si Keisha at kung pano naman mag-alala ang kaniyang ina.

Sa ngayon ang tanging kakampi ko lang sa lugar 'to ay ang Duchess, ang ina ni Kiera na dating isang commoner, si madam Carla Romulus.

Siya lang ang patuloy na dumadalaw sa'kin dito sa kwarto at inaalagaan ako habang nasa proseso pa ko nang pagtanggap sa kapalaran ko.

Buong akala nila ay nag-iinarti na naman ang kanilang pangalawang binibini, akala nila ay panibagong palabas lang ni Kiera ang hindi ko pagkain o hindi ko pagpasok sa academy nitong mga nakaraan linggo.

Walang pumapansin sa'kin at hinahayaan lang nila ako kung kakain ba ko o hindi sa mga pagkain na halatang hindi naman nila pinaghandaan.

Tanging ang kaniyang ina lamang ang nag-aalala para sa kay Kiera, ilang beses niya na ko dinadalaw sa loob ng silid ko at tinatanong kung anong nais ko o kailangan ko.

Mabait ang Duchess at ang Duke naman ay pabor sa kaniya ngunit hindi ko alam bakit pagdating sa anak niyang si Kiera ay talagang sumasama ang timpla niya.

Siguro dahil sa ugali na rin Kiera noon pa o hindi naman kaya ay dahil sira na ang imahe ni Kiera sa Duke dahil sa kapatid niya mismong si Keisha.

Hindi ko rin alam bakit tila tanda ko lahat ng memorya ni Kiera sa katawan na 'to, pakiramdam ko kasama ko siya at naghahati kami sa katawan niya ngayon.

Sa tulong ng memorya na 'yun, lalo ko na laman ang mga sinapit niya simula pagkabata hanggang ngayon.

At kung hindi ako nagkakamali, nalalapit na ang pagtatapos ng kaniyang pag-aaral sa academy na pinapasukan niya. Kasabay niyang magtatapos si Diana ang bida ng storya at doon din mangyayari ang paghahalal sa kaniya ng emperor bilang prinsesa ng Lumire Empire.

"Alam ko sa mga panahon na 'yun malapit niya nang bilhin si Viggo," pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin at patuloy na nagpaplano.

Magkakakilala ang dalawa sa isang under ground market kung saan ako mismo o si Kiera ang nagdala kay Diana doon para manood ng slave auction.

Ang pinakabalak ni Kiera ay iwan si Diana at hayaan na makita ng mga tao na ang bago nilang prinsesa ay galing sa isang underground market. Nais niyang pagsimulan ito ng usap-usapan tungkol sa bagong halal na prinsesa,

Gusto ni Kiera na sirain agad ang imahe ni Diana doon, pero para kay Diana nais niyang magmasid sa gagawing slave auction dahil pinagbabawal iyon sa kanilang emperyo.

Doon nakilala ni Diana si Viggo na isang bampira at binibenta sa malaking halaga, sa pagkakatanda ko pumalo ng limang libo zeno ang halaga ni Viggo na kung saan katumbas ng milyon sa panahon ko.

"Kung gusto kong matakasan si Viggo sa pagpatay sa'kin, hindi ba't mas mabuti kung ako ang magiging master niya?" Tanong ko habang hawak ang aking baba at pabalik-balik na naglalakad sa harap ng salamin.

"Ang isang vampire slave ay may contract sa master nila, kapalit ng dugo ko ay kapalit naman ng loyalty niya kaya kung ako ang magiging master niya ay sigurado akong hindi niya ko masasaktan at maaari niya pa kong protektahan, pero ang tanong saan naman ako kukuha ng ganung kalaking halaga?" Napakamot ako sa ulo ko at hindi alam ang gagawin. Sa ngayon halatang hindi pinapaboran ng duke ang anak niyang si Kiera kaya kung manghihingi ako ng pera sa duke ay sigurado akong hindi niya ko pagbibigyan. Kahit na gamitin kong palusot ang nalalapit kong pagtatapos sa academy para makahingi sa kaniyang ng regalo ay sigurado akong hindi niya ako bibigyan nang ganong kalaking halaga.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now